top of page

Strap ng dress, napatid sa stage… JANE, INILIGTAS NI JOSHUA SA KAHIHIYAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2021
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 21, 2021





Nag-viral sa social media at pinag-usapan ang wardrobe malfunction ng bida ng Darna na si Jane de Leon na nangyari sa live telecast ng ABS-CBN Christmas Special last Saturday, December 18.


Natanggal ang strap ng suot na cocktail dress ng aktres sa finale number kung saa'y kinakanta ng mga sikat na Kapamilya stars ang Andito Tayo Para Sa Isa't Isa kung saa'y kasama sa frame sina Megastar Sharon Cuneta at rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes.


Makikita sa nasabing video kung paano ginawang shield ni Jane ang co-star sa Darna series na si Joshua Garcia para 'di siya mahubaran at mapahiya onstage.


Pansin din na tila nagbubulungan ang dalawa na wari'y ipinaalam niya na napatid ang strap ng suot niyang damit. as na bahagi ng kanyang suot na cocktail dress.


Mapapansin na habang nagtatago si Jane sa likod ni Joshua, nakayakap ang isang braso niya sa leeg ng aktor na tila walang nagaganap na aksidenteng paglalantad sa kanyang dibdib.


Dahil dito, tinukso sila ng ilang netizens na, "How sweet naman ang dalawa."


After the show, pinasalamatan ni Jane si Joshua sa gentlemanly act nito na isalba sa kahihiyan ang kanyang co-star sa Darna.


Nauna nang ibinahagi ni Jane ang ilang reaksiyon ng mga netizens sa ginawang pagsagip ni Joshua sa kanya.


Marami naman ang pumuri kay Joshua dahil sa ginawa nito upang maprotektahan si Jane.


“Chivalry ain't dead. Joshua Garcia protects his Darna: The TV Series leading lady Ms. Jane De Leon after suffering wardrobe malfunction,” mensahe ng isang netizen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page