Strait of Hormuz, parang pintuan na bukas-sara ng US at Iran
- BULGAR

- 6 days ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | April 20, 2026

Naaresto raw si Zaldy Co sa Czech Republic.
Iyan po ay balita mula kay PBBM.
Siya ang “source” ng balita—maging ng international press!
-----$$$---
Sa ating karanasan, ngayon lang may ganyang klase ng balita.
Ipagdasal natin hindi ito kuryente!
-----$$$--
May pambihirang oil price rollback bukas—P24.94 kada litro ng diesel.
Ang ulat ay mula rin mismo kay PBBM.
Malapit nang mawalan ng “trabaho” si Ate Kler.
-----$$$--
Inuunggoy pa rin ng US at Iran ang Strait of Hormuz.
Kumbaga, close-open; open-close ang “kipot.”
-----$$$--
Kipot po ang katumbas sa Tagalog ng “Strait”.
Ito ay ang “makipot o makitid o masikip” na lagusan ng tubig.
----$$$--
Ang “kipot” ay mailalarawan ding “bottle neck” — makipot na daan sa pagitan ng dalawang malawak na karagatan.
Sa mga pamilyar sa botelya ng softdrinks ng “Coke,” ‘yan po ang kipot – ang pinakamaliit na diameter sa disenyo ng botelya.
-----$$$---
May “kipot” din sa pagitan ng Taiwan at Mainland China.
Puwede ring maging “kipot” ang ilang bahagi ng karagatan sa West Philippine Sea.
-----$$$--
SA bukid, ang mga pilapil ay pinapakipot upang mapuwersa ang mga isda na rito magsidaan.
At dahil “kipot,” kakaunti o maliit na “espasyo”lang ang lalagyan ng harang o lambat.
-----$$$--
SA ligawan ng binatilyo at dalagita, karaniwang naririnig ang katagang “pakipot”.
Nagmula rin ito sa ugat na “KIPOT.”
-----$$$--
SA totoo lang, ang inilalarawan ng “kipot” sa ligawan ay may konotasyong sekswal.
Opo, ibig sabihin ng “kipot” ay pagiging inosente o “virginity.”
-----$$$--
HINDI ugali ng mga babaeng marami nang karelasyon ang magpakipot.
Ang aktuwal nagpapakipot ay ang mga dalagitang wala pang karanasang sekswal.
-----$$$--
MAUUNAWAAN at alam na natin kung bakit.
Iyan ay isang sinaunang tradisyon at kultura.
Isang kultura at tradisyon, ang pakipot ng mga dalisay na “Dalagang Pilipina.”
----$$$--
MASELAN ang isyu tungkol sa “KIPOT”.
Iyan mismo ang sitwasyon sa “Kipot ng Hormuz.”
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments