Steve Armstrong sa Voltes V… HIRIT NG FANS: MIGUEL, MAANGAS!
- BULGAR
- May 29, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 29, 2023

May kokontra kaya sa sinabi ni Bea Alonzo na si Miguel Tanfelix ang Timothee Chalamet ng Pilipinas?
Si Timothee ang guwapong French-American actor, at sabi nga ng mga fans ni Miguel, may anggulo na magkamukha ang dalawa.
'Yun siguro ang nakita ni Bea kaya't nasabi nito na si Miguel ang Pinoy version ni Timothee.
Hindi pa 'yun ang meaty part sa 'Legit Lie Detector Challenge' na ginawa ni Bea kay Miguel. Isa rin dito ang tanong kung malapit na ba silang maging Instagram o IG official ng hindi binanggit ni Bea, pero sure ang mga fans na si Ysabel Ortega ang tinukoy nito.
"Yes!" with conviction ang sagot dito ni Miguel dahil may pag-pumping pa ito ng mga kamay.

Sa tanong pa ni Bea kung tingin ba ni Miguel, nabigyan niya ng justice ang role at karakter ni Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy, "Yes," ang naging sagot ng aktor at may mga nag-react na nga rito.
May mga nababasa kaming comments ng viewers ng #V5Legacy na naaangasan kay Steve at hambog daw ang dating sa kanila ni Miguel.
Marami naman ang nagtanggol kay Miguel. Ginagampanan lang daw niya ang karakter ni Steve at ganu'n si Steve kahit sa anime.
Comments