Stepmom, nanganak na rin... COLEEN, HAPI NA 2 NA ANG BABY SA PAMILYA NILA

ni Nitz Miralles - @Bida | November 2, 2020

Sa kabila ng pandemya, doble ang saya ng pamilya ni Coleen Garcia dahil hindi lang ang baby boy nila ni Billy Crawford ang bata ngayon sa kanilang pamilya matapos manganak ng stepmom ni Coleen. Kaya, may baby na ang aktres, may baby sister pa!
Ipinost nga nito ang photo niya habang karga ang baby niyang si Amari at ang kanyang baby sister. Sabi nito, “My baby sister’s trying to access Amari’s milk stash, and he’s not having it. Lol.”
Hindi namin alam ang family history ni Coleen, kung hiwalay ba ang parents niya o kung may mom pa siya. Sa kuwento nito, muling nakapag-asawa ang dad niya at nagbuntis ang stepmom niya na ngayon nga ay nanganak na.
“Never would have imagined that my Dad and I would be raising our babies at the same time. But God’s just awesome like that. Way-maker, miracle worker, promise keeper,” patuloy ni Coleen.





Comments