top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

State of emergency sa malawakang wildfire

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2023
  • 1 min read

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023





Nagdeklara na ng state of emergency ang British Columbia na nasa westernmost province ng Canada sa gitna ng mabilis na pagkalat ng wildfire.


Pinangangambahang mapinsala nito ang mas marami pang kabahayan sa lugar sa palibot ng kabisera ng West Kelowna.


Lumawak pa mula sa 64 sa 6,800 hectares ang wildfire sa McDougall Creek, sa loob lamang ng 24 oras.


Nasa 4,800 na mga residente na ang kasalukuyang pinalilikas habang aabot naman sa 22,000 katao o halos kalahati ng populasyon ang na-displace sa Northwest territories ng Canada dahil sa malawakang wildfire.


Napaso na rin ang ibinigay na deadline para sa paglikas ng mga residente sa Yellowknife ang kapital ng federal territory ng Canada.


Sa ngayon, wala pa namang napaulat na nasawi mula sa mahigit 200 unprecedented wildfires na naitala sa British Columbia.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page