Standard Insurance Centennial 5 nagwagi sa Rolex China Sea Race
- BULGAR
- Apr 11, 2023
- 1 min read
ni MC @Sports | April 11, 2023

Pinangunahan ni Ernesto “Judes” Echauz ang Standard Insurance Centennial 5 upang pagwagian ang makasaysayang karera sa Rolex China Sea Race matapos ang limang taon na hindi nakasabak sa torneo.
Kabuuang 18 international boats ang naglayag mula sa Hong Kong noong Miyerkules kasama ang Centennial V at naunang nakarating sa finish ng Subic Freeport noong Sabado.
Naorasan ang bangka ni Echauz sa 12 hours, 45 minutes at 47 seconds sa pagdaong upang tanghaling kauna-unahang Philippine boat na nagkampeon sa 61-year-old race.
"Makasaysayan ito! Kauna-unahan ito sa Philippine boat na nagwagi sa Rolex China Sea Race,” masayang wika ni Echauz. “Isang prestihiyosong karera ito sa amin."
Naunang naglayag ang Centennial 5 sa start line kabuntot ang Hong Kong iconic skyline mula sa Victoria Harbour at napanatili ang bilis ng kanilang paglarga sa Rolex China Race na inorganisa ng Royal Hong Kong Yacht Club sa tulong ng Manila Yacht Club kung saan ang finish ay idinaos sa host na Subic Bay Yacht Club.
Namalakaya sa event sa unang blue water race sa Asya ang mga bangka sa distansiyang 565-nautical miles (1,046 kilometers) patawid ng South China Sea hanggang Subic Bay kung saan nasukat ang sailing skill, enerhiya, tiyaga at team spirit ng grupo.
Binubuo ang grupo ni kapitan Echauz ng all-Filipino crew na mga bago at dating miyembro national sailing team mula sa PH Navy.
Kasama rin sa Standard Insurance Centennial V crew sina Ridgely Balladares, Rubin Cruz, Richly Magasanay, Stephen Tan, Bernard Floren, Joel Butch Mejarito, WhokDimapilis, Harry Kim Lumapas, Emanuel Amadeo,Miguel Magsanay, Franco Hilario, Louie Perfectua, Elmer Cruz, Nazer Domingo, JeansonLumapas, Alaiza Belmonte, Paula Bombeo, Ricky Domingo at Jericho Marbella.








Comments