Staff, kita sa video na naglabas ng baril… SEN. JINGGOY, NANIGAW NG BABAE, MUNTIK PANG SAPAKIN
- BULGAR
- Aug 24, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 24, 2024

Nag-top trending si Senator Jinggoy Estrada sa X (dating Twitter) kahapon. Kumalat kasi sa socmed (social media) ang isang video kung saan nakikipagtalo ang isang babae kay Sen. Jinggoy.
Nangyari ito ilang oras matapos lumabas ang balitang naaprubahan ng Sandiganbayan ang apela ni Sen. Jinggoy sa kanyang prior conviction on bribery (direct and indirect).
Nabaligtad at nabago ang desisyon ng Sandiganbayan sa prior conviction ni Sen. Jinggoy “for one count of Direct Bribery under Art. 210 of the Revised Penal Code and two counts of Indirect Bribery under Art. 211 of the same Code.”
Sa video ng engkuwentro ni Sen. Jinggoy sa isang female civilian, malinaw na narinig ng mga netizens ang mga dialogues.
Dinig sa video ang sinabi ng ordinary civilian kay Sen. Jinggoy, “‘Wag n’yo akong hino- 'Hoy!' porke't senador kayo?”
At habang nagdidiskusyon si Sen. Jinggoy at ang female civilian, nakapalibot naman ang mga tao ng politician-actor. Kita rin sa video na isa sa mga tao ni Sen. Jinggoy ay may hawak na baril.
Pagtalikod ni Sen. Jinggoy sa female civilian, dinig din sa video ang sinabi ng politician-actor.
Sey ng mga netizens, “Kung lalaki ka, sinapak kita e.” — rinig n’yo ba ‘yun, coming from Senator Jinggoy?"
“Low class na talaga ng Senate ngayon ano, except Senator Risa.”
“Hello Senate, wala bang suspension d’yan?”
“Harassment, intimidation na ‘yan, ah?!”
Binatikos din ng mga netizens ang paglabas ng baril ng isa sa mga “tao” ni Sen. Jinggoy.
Anila, “Let’s talk about someone BRINGING OUT A GUN TO INTIMIDATE A NON-ARMED CIVILIAN??????”
“Yup, I noticed that too. Bakit kailangang maglabas ng baril ang bodyguard ni Porky Senador?"
“Hindi ba violation ‘to, especially public official ‘yung amo n’ya? Sana, magdemanda si Ate Girl.”
Bumilib naman ang mga netizens sa pahayag ng female civilian kay Sen. Jinggoy na huwag siyang tawaging, “Hoy!”
React ng mga netizens, “GO ATE! (fire and clap emoji)"
“Bravo Madam! Salute to this courageous lady!”
Nagkuwento rin ang ilang netizens kung ano ang diskusyon na naganap between Sen. Jinggoy at sa female civilian, "So, ang context daw nito ay nagkaroon ng sunog sa San Juan, kaya may mga tao sa evacuation center. Tapos, dapat si Jinggoy Estrada ay bibisita before 10 PM, eh, late dumating ang senador at nagpapahinga na ang mga tao, kaya hindi pinapasok ni "Ate Girl" na ikinagalit ni Kuya."
Galit na sabi ng mga nakapanood, “Jusko, alangan namang gisingin nila ‘yung mga tao para lang makapag-epal si Jinggoy? Stress na nga dahil nasa evacuation center, tapos, dagdagan pa ng pagmumukha n’ya.”
“Tama naman. Bakit kasi s’ya late? Iistorbohin pa n’ya, natutulog na.”
‘Yun pala ang kuwento.
Lahat pala ng galawan ni Barbie Imperial ay ikinukumpara ng mga netizens kay Sarah Lahbati na misis ni Richard Gutierrez, pati ang pag-aaral ni Barbie ng tamang porma sa pagbaril para sa kanyang role sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Ipinost ni Barbie ang video kung saan nagpapraktis siyang bumaril.
Sey ng mga netizens, “Ganito rin ‘yung ginawa dati ng original,” na ang tinutukoy nga ay si Sarah.
“Hahahaha! Ginagaya n’ya nga kasi ang legal wife.”
“Same sila ni Sara, next n’yan, motorbike naman.”
Ipinagtanggol naman si Barbie ng kanyang mga supporters sa mga bashers.
“Bakit bawal ba n’yang gawin, need n’ya ‘yan dahil nasa action series s’ya as a carnapper.”
“Nakita mong nagte-training dahil sa BQ.”
In fairness kay Barbie, hindi lang ang pagbaril ang ginawa niyang paghahanda para sa paglabas niya sa serye dahil pati muay thai and boxing ay inaral niya rin.
Excited si Barbie Imperial sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at sugarol na maaaring magdala ng suwerte o patung-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol (Coco Martin).








Comments