SSS, umabot sa 407 % hanggang P732.15-M ang benepisyo sa mga nawalan ng trabaho
- BULGAR
- Aug 27, 2021
- 3 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | August 27, 2021

Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay naglabas ng P732.15 milyon sa pagbibigay ng benepisyo sa kawalan ng trabaho sa 54,282 na miyembro mula Enero hanggang Hunyo 2021, mas mataas ng 407 porsiyento mula sa parehong panahon ng nakaraang taon. Maging ang bilang ng makikinabang na miyembro ay tumaas din mula 11,917 hanggang 54,282 ng 355 porsiyento.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer, Aurora C. Ignacio, na ang matarik na pagtalon ng benepisyo na nilalabas ay naiugnay sa pagtaas ng kamalayan ng mga miyembro sa pagkakaroon ng nasabing benepisyo para sa mga hindi sinasadyang nahiwalay sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemya.
“We’re glad that this program was able to assist our workers in the private sector especially during these times that majority were left jobless due to the pandemic. Aside from that, the safety and convenience of our online services and checkless disbursements helped our qualified members to get their benefits on time which really served their purpose,” pahayag ni Ignacio.
Ang Unemployment benefit ay isa sa mga landmark na probisyon ng Republic Act No.11199 o Social Security Act of 2018 na mula Marso 5, 2019. Ang mga kuwalipikadong sakop na empleyado, kasama ang kasambahay at Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi sinasadyang nawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng ekonomiya, natural na kalamidad /sakuna na sanhi ng mga tao, installation ng labor-saving devices; kalabisan; retrenchment o downsizing; pagsasara o pagtigil sa operasyon; at sakit o karamdaman ng empleyado na patuloy na nagtatrabaho ay ipinagbabawal ng batas o nakagagambala sa kalusugan ng kanyang mga kapwa empleyado.
Bukod dito, ang mga miyembro ay hindi dapat higit sa 60 taong gulang sa oras ng involuntary separation. Sa kaso ng mga mineworkers at racehorse jockeys, hindi sila dapat higit sa 50 at 55 taong gulang. Ang mga miyembro ay dapat nagbayad din ng hindi bababa sa 36 buwanang mga kontribusyon, 12 buwan na dapat bayaran sa loob ng 18 buwan na panahon bago ang involuntary separation.
Ang mga kuwalipikadong miyembro ay makatatanggap ng buwanang cash benefit na katumbas ng 50 porsiyento ng average monthly salary credit (AMSC) ng miyembro para sa maximum na dalawang buwan. Halimbawa, ang miyembro-aplikante na may AMSC na P16, 000 ay makatatanggap ng dalawang buwan na unemployment benefits na nagkakahalaga ng P16,000 (P8,000 para sa bawat buwan).
Ang benefit claim ay dapat isumite sa loob ng isang taon mula sa petsa ng involuntary separation ng miyembro. Gayunpaman, kung ang isang taon na deadline para sa pag-file ay tumapat sa Marso 5, 2020 hanggang sa huling arawng Enhanced Community Quarantine/ General Community Quarantine, ang involuntary separated na miyembro ay maaari pa ring mag-file ng kanilang mga paghahabol hanggang 60-araw mula sa pagdeklara ng gobyerno ng katapusan o ang huling araw ng ECQ / GCQ.
Ang step-by-step guide para sa pagsusumite online ng unemployment benefit claim application ay maaaring ma-access sa link: https://bit.ly/31tMWsY.
Ipinaalala rin ng SSS Chief sa mga miyembro nito na magparehistro online sa SSS website upang gumawa ng kanilang sariling mga account sa My.SSS para sa pagpapatala ng disbursement account sa pamamagitan ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) bago ang pagsusumite online ng aplikasyon sa unemployment benefit claim.
Ang step-by-step guide para sa My.SSS registration at disbursement account enrollment ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng Links: https://bit.ly/3m59GJ9 and https://bit.ly/39kVTcb.
Para sa karagdagang detalye, maaaring sundan ng mga miyembro ang SSS Facebook page sa “Philippine Social Security System,” Instagram account sa “mysssph,” Twitter account sa “PHLSSS,” at SSS Viber Community sa“MySSSPH Updates.”
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



Comments