top of page

Paglaban sa korupsiyon, kaisa ang DHSUD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | August 31, 2025



Bulgarific


Hello, Bulgarians! Nagsama-sama kamakailan ang mga top official ng Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines (OSHDP) member-companies sa likod ng kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. laban sa katiwalian sa burukrasya, at patnubayan ang sektor ng pabahay bilang modelo ng isang industriyang walang katiwalian at transparent. 


Ginanap ang Housing Summit kamakailan, na inorganisa ng OSHDP, kung saan umani ng palakpakan mula sa mga stakeholders ang naging talumpati ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling.

“Even 1 percent of corruption is unacceptable. Both the private sector and the government should work together to achieve zero corruption in the housing sector,” pahayag ni Secretary Aliling.


“Pakita natin na kaya po ito ng housing sector so we can inspire others to do the same. Tulungan po natin si President Marcos Jr. na labanan ang korupsiyon. Seryoso po siya rito. May pag-asa pa po ang ating bayan,” dagdag pa niya.





Sa kanyang 90 days na panunungkulan, ipinakilala ni Secretary Aliling ang mga reporma sa ilalim ng Department’s 8-Point Agenda bilang pagsunod sa Bagong Pilipinas brand ng proactive at people-centric na pamamahala ng Presidente.


Kabilang sa mga repormang ito ay ang zero tolerance policy for corruption, streamlining of process, digitalization, recalibration at pagpapalawak ng flagship na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.


Ang mga repormang ito ay agad na nakakuha ng suporta mula sa mga stakeholder, kung saan hindi bababa sa 42 private developer ang nagsasagawa ng higit sa 250,000 housing units sa ilalim ng Expanded 4PH, habang ang iba’t ibang grupo ng maralitang lungsod at civil society organization ay nakibahagi bilang parte ng transformative at participative leadership ng DHSUD chief.


“It’s a matter of political will. Tulungan po natin ang ating Pangulong Marcos Jr. na labanan ang katiwalian upang tuluyan na tayong umunlad,” saad pa niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page