top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SSS Sickness Benefit Program, saklaw ang home confinement ng COVID-infected worker

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 22, 2022





Hello, Bulgarians! Nilinaw ng Social Security System (SSS) na ang mga trabahador na nahawaan ng COVID-19 na nasa kanilang tahanan ay sakop sa ilalim ng Sickness Benefit Program nito, taliwas sa mga kamakailang ulat sa media.


Ipinaliwanag ng SSS na ang mga miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa pagkakasakit o injury at naka-confine sa ospital o sa bahay ng hindi bababa sa apat na araw ay maaaring maka-avail ng sickness benefit. Bukod sa mga may trabahong miyembro, nagbibigay din ang SSS ng benepisyo sa pagkakasakit sa mga self-employed, voluntary at overseas Filipino worker (OFW) na miyembro.


Ang SSS Sickness Benefit Program ay daily cash allowance na binabayaran para sa bilang ng araw na hindi makapagtrabaho ang kuwalipikadong miyembro dahil sa pagkakasakit o pinsala, kabilang ang mga manggagawang nahawaan ng COVID-19. Ang mga miyembro ay maaaring mag-avail ng maximum 120-araw sa sickness benefit sa loob ng isang (1) taon.


Ang mga miyembrong nahawaan ng COVID-19 na nasa home confinement ay maaaring maging kuwalipikado sa ilalim ng programa kung nagbayad sila ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12-buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pinsala at naka-confine sa ospital o sa bahay nang hindi bababa sa apat na araw.


Para sa mga may trabahong miyembro, dapat ginamit nila ang lahat ng kanilang kasalukuyang sick leave sa kumpanya na may bayad at ipaalam sa kanilang employer ang tungkol sa kanilang pagkakasakit. Sa kabilang banda, ang mga self-employed, voluntary at overseas Filipino worker na miyembro at ang mga nahiwalay sa trabaho ay dapat direktang ipaalam sa SSS sa pamamagitan ng paghahain ng aplikasyon para sa sickness benefit.


Gayundin, kailangang magpakita ng positive Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test o Rapid Antigen Test (RAT) ang mga miyembrong nahawaan ng COVID na ginawa sa pasilidad na kinikilala ng Department of Health; o RAT result gamit ang Food and Drug Administration-approved test kit; o non-FDA-approved RAT result kasama ang kopya ng Certificate of Completion of Quarantine na inisyu at nilagdaan ng isang Medical Officer mula sa yunit ng lokal na pamahalaan o ng Barangay Health Emergency Response Team.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page