top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

SSS Advisory tungkol sa mga alituntunin sa paglilingkod sa sangay para sa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2021
3 min read

iba't ibang klasipikasyon ng quarantine ng komunidad.


ni Fely Ng - @Bulgarific | August 14, 2021




Hello, Bulgarians! Pinayuhan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito, pensiyunado, sakop na mga employer, at publiko na ang iba't ibang alituntunin sa paglilingkod ay ipinatutupad sa mga sangay nito batay sa quarantine classification sa kani-kanilang lugar.


Para sa mga sangay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang mga alituntunin sa paglilingkod ay ang mga sumusunod:


Lahat ng mga transaksiyon, maliban sa ipinag-uutos na online transaction ay dapat ipadala sa pamamagitan ng no-contact dropbox system.


Bukas para sa no-contact dropbox system transactions mula 9:00 nu to 2:00 nh.

Para sa mga sangay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ):


Lahat ng mga transaksiyon—maliban sa mandatory online transactions—ay dapat magkaroon ng kaukulang appointment sa sangay o gawin sa pamamagitan ng dropbox.


Ang mga walk-in transaction ay limitado lamang sa pagkuha ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) cards o educational loan checks; at pagsunod sa Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) para sa mga nasuspendeng pensiyon; at pagbabayad ng mga kontribusyon at loans.


Para sa mga piling sangay, ipatutupad ang Number Coding System sa walk-in transactions.


Bukas para sa mga transaksiyon mula 9:00 nu to 4:00 nh.


Para sa mga sangay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) and Modified General Community Quarantine (MGCQ):


Lahat ng mga transaksiyon — maliban sa mandatory online transactions — ang mga tatanggapin over the counter.


Para sa mga piling sangay, ang Number Coding System ay ipatutupad.


Ang mga walk-in transaksiyon sa mga sangay na nagpapapatupad ng Number Coding System ay limitado sa pagbabayad ng mga kontribusyon at loans; aplikasyon ng Social Security (SS) number na pinadala sa pamamagitan ng SSS website/SSS Mobile App; para sa mga hindi nakapag-upload ng supporting documents online; pagkuha ng UMID card; pagpapakita ng supporting documents para suportahan ang kanilang aplikasyon; paggamit ng E-Center facilities para sa mga walang computer o internet sa bahay; at iba pang makatuwirang dahilan.


Bukas para sa mga transaksyon mula 8:00 nu to 5:00 nh.


Ang mga oras ng serbisyo ay maaaring magbago depende sa curfew na itinakda ng LGU.


Ang mga araw ng transaksiyon ng mga miyembro at employer sa mga sangay na nagpapatupad ng Number Coding System batay sa ika-10 digit ng kanilang SS or Employer (ER) ID number. Lunes para sa 1-2; Martes 3-4; Miyerkules 5-6; Huwebes 7-8; at Biyernes 9-0.


Para sa mga aplikasyon sa Funeral o Death Benefit Claim, ang batayan para sa araw ng transaksiyon ay ang ika-10 digit of the SS ID number ng pumanaw na miyembro. Gayunman, kung ang araw ng transaksiyon ay natapat sa holiday, ang miyembro o employer ay maaaring ituloy ang transaksiyon sa SSS sa sususnod na araw na may trabaho. Sa kaso ng downtime system, ang SSS ay magtatakda ng appointment para sa mga nakapila, o maaari silang maghintay hanggang ang system ay maging maayos.


Humihingi ang SSS ng kooperasyon at pang-unawa ng mga stakeholders sa mga nasabing hakbang na nakahanay sa mga alintuntunin at resolusyon ng IATF. Nilalayon nitong matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyo ng SSS at ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng pandemya ng COVID-19


Ang impormasyon tungkol sa SSS online services ay maaaring ma-access sa http://bit.ly/expreSSS.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram at “mysssph,” Twitter at “PHLSSS,” o sumali sa Viber Community at “MYSSSPH Updates"

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page