top of page
Pokwang.jpg

Spox. Roque, todo-warning na bawal mag-videoke pero siya todo-birit, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 16, 2020



BAKA MAPAHAMAK ANG MGA BATANG MAG-AARAL KAPAG NAG-FACE-TO-FACE CLASSES NA—Aprub kay P-Duterte ang rekomendasyon na mag-face-to-face classes na sa Enero 2021 sa mga lugar na kaunti lang ang bilang ng COVID-19 cases.


Nakupo, wala pa ngang bakuna tapos magpapa-face-to-face classes na ang DepEd, eh, baka sa gagawin nilang ‘yan ay mapahamak ang mga batang mag-aaral, ‘susmaryosep!


◘◘◘


NABUBUHAY ANG ISYUNG “MAÑANITA” KAY GEN. SINAS KAPAG NAGBIBIGAY SIYA NG BABALA SA MGA LALABAG SA MASS GATHERING—Ipapahuli raw ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang magsasagawa ng mass gathering ngayong Kapaskuhan.


Sana, kapag may ganyang uri ng statement ay hindi si Gen. Sinas ang nagbibigay-babala sa publiko sa tuwing nagpapabida siya tungkol sa paghihigpit niya sa mass gathering ay nabubuhay ang isyung kinasangkutan niya, ‘yung mismong paglabag niya sa mass gathering sa birthday niya last May 8, 2020 na binansagan niyang “mañanita” at dahil police general siya, walang pulis na nangahas na hulihin siya, boom!


◘◘◘


HINDI RIN DAPAT NAGWA-WARNING SI ROQUE SA MGA LALABAG SA MASS GATHERING AT MAGBI-VIDEOKE—Bukod kay Gen. Sinas, hindi rin dapat nagbibigay-babala si Presidential spokesman Harry Roque sa mamamayan na lalabag sa health protocol, tulad ng mass gathering at pagbi-videoke.


Bad kasing tingnan, na ang tulad ni Roque na lumabag sa mass gathering sa Bantayan Island sa Cebu at bumirit pa ng kanta sa videoke bar sa Baguio City ay siyang nagbibigay-babala sa mga lalabag sa mass gathering at pagbi-videoke, buwisit!


◘◘◘


SAANG BANSA MAN MAGTUNGO SI P-DUTERTE KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA, PUWEDE NA SIYANG DAKPIN—Sabi ng International Criminal Court (ICC) ay posibleng ituloy nila ang kasong crimes against humanity kay P-Duterte, na maaaring humantong para magpalabas ng warrant of arrest laban sa Pangulo ng Pilipinas, pero ang tugon dito ni Roque ay hindi raw kinikilala ng pamahalaan ang anumang magiging hatol ng ICC.


Sa Pilipinas hindi talaga kilalanin ‘yan ng Duterte gov’t., pero ang masaklap, ang anumang hatol ng ICC ay kinikilala ng UN (United Nations), na kapag may warrant of arrest na saang bansa man pumunta si P-Duterte ay doon puwede na siyang dakpin, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page