top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Spox Roque, kinuha raw na guest sa YouTube vlog para kumita…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
1 min read

NETIZENS KAY AIKO: DESPERADA, KADIRI KA!

ni Nitz Miralles - @Bida | January 26, 2021




May mga hindi natuwa sa pagge-guest ni Aiko Melendez kay Secretary Harry Roque sa kanyang vlog at tinawag siyang "enabler". May nagtanong pa kung ano ang purpose niya sa pagge-guest kay Spox Harry Roque at may nag-comment ng “Giving a traitor a platform to disseminate hate and misinformation. Such a cheap way to gain clout.”


May nag-comment pa ng… “Kadiri ka, Aiko. I lost my respect sa 'yo. All for clout and followers. Desperate much?”


In fairness kay Aiko, hindi niya dine-delete ang mga hate comments sa kanyang Instagram, kaya libreng nababasa ng kanyang mga followers. Nabanggit naman nito na light interview lang ang ginawa niya kay Spox Harry, pero may mga ayaw pa rin at bina-bash siya.


Aliw nga ang interview kung saan inamin ni Spox Harry na crush niya si Aiko noon pa at mas maganda pa raw pala ang Prima Donnas actress sa personal na tinawanan ni Aiko.

Napapanood na sa kanyang YouTube channel ang interview ni Aiko kay Spox Harry at ipinauna na ni Aiko na walang pakialam si Sec. Roque sa mga bashers at haters.


Anyway, parang nalalapit na ang pagtatapos ng Prima Donnas dahil ang nabasa namin dati, sa February na ang ending ng hit Afternoon Prime. Malalaman na ang magiging kapalaran ni Kendra dahil sa mga kasamaang ginawa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page