Spoiled sa amo… KUMOT NG ASO NI HEART, HERMES
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2024

Ang sexy ni Heart Evangelista sa suot niya sa night out niya with her glam team. Kita ang sides ni Heart sa suot niyang blouse; ang front at back lang ang natatakpan at ang both sides ay open.
Dahil trendsetter, siguradong gagayahin ng kanyang mga fans ang top na suot ni Heart.
Tiyak na may mga magtatanong kung saan niya nabili ang suot at hindi nakakagulat kung biglang mauso ang suot ni Heart na hindi namin alam kung ano ang tawag.
Ang cute ng suot ni Heart na tali lang ang nagko-connect. Sayang at hindi open ang comment box ng Instagram (IG) account ng nag-post ng reels, maganda sanang mabasa ang mga comments ng kanyang mga fans.
Samantala, wala pang comment si Heart at hindi na yata magko-comment sa pinansin ng netizen na photo na suot ng pet dog niyang si Panda ang Bvlgari necklace na kapareho ng ine-endorse ni Pia Wurtzbach.
Actually, si Director Darryl Yap ang unang nakapansin ng post ni Heart na suot nga ng dog niyang si Panda ang mamahaling Bvlgari necklace. Sabi ni Direk Darryl, baka nagkataon lang at walang konek kay Pia at sa ine-endorse nito.
Ipinagtanggol na rin si Heart sa mga nagsabing shade niya kay Pia ang pagpapagamit ng kanyang necklace kay Panda. Dati na raw itong ginagawa ni Heart at kung babalikan ang mga nauna niyang posts, sagana sa luxury stuff ang fur babies niya. Ang dog collars ng pet dogs at cats niya ay branded at pati mga blanket na hinihigaan ay Hermes.
Dahil kay Panda at sa Bvlgari necklace, uminit na naman ang online bardagulan ng mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Kaaliw lang na hindi sila nauubusan ng isyu at everyday, may isyung pinagtatalunan ang dalawang kampo.
Extended up to December ang primetime series ng GMA-7 na Asawa ng Asawa Ko (ANAK), dahil sa taas ng ratings at engagement. Naka-ilang extension na ang drama series nina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, Joem Bascon, Martin del Rosario at Rayver Cruz.
Mahusay din si Gina Alajar at ang ibang cast at pumasok pa si Kylie Padilla.
Si Laurice Guillen ang director ng ANAK na sanay nang nae-extend ang mga hinahawakang series. Matindi lang ito dahil hanggang December ang extension, kaya expect natin na may mga bagong karakter pa na papasok.
Sayang at namatay na ang karakter ni Martin, pero kailangang mamatay si Jeff (name ng karakter niya sa series) para umusad ang istorya. Dahil extended, marami pa ang maha-high blood sa karakter ni Liezel na si Shaira na hindi maubusan ng kasamaan.
Masuwerte si Kylie na mapasama sa cast na pinag-uusapan at gabi-gabing inaabangan. Gusto ng kanyang mga fans ang mga eksena ng aktres na nakikipag-umbagan dahil nami-miss nila ang pagka-action star nito.
And speaking of Kylie, pati siya ay idinadamay sa isyu ng amang si Sen. Robin at sa naging pahayag nito sa hearing sa Senado tungkol sa sexual harassment. Maaalalang napunta sa marital rape ang sagutan nina Sen. Robin Padilla at Atty. Lorna Kapunan.
Tanong ng mga netizens, ano raw ang nararamdaman ni Kylie na controversial na naman ang ama nito?
Bukas ang BULGAR sa pahayag ng anak ng senador na si Kylie Padilla.




Comments