top of page

Spiker's Turf: Sta. Elena swak sa finals vs. HD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | September 29 , 2022


ree

Kinumpleto ng National University (NU)-Sta. Elena ang pagwalis sa semifinals sa 2022 Spikers' Turf Open Conference nang talunin ang VNS-One Alicia sa four sets, noong Martes sa Paco Arena.


Ginulpi ng Nationals ang Griffins' sa errors para masungkit ang 25-17, 20-25, 25-21, 27-25 victory. Binuo nila ang 3-0 sweep ng semis at pumalaot na sila sa championship series hawak pa ang momentum.


Sinuman ang nagwagi sa pagitan ng Cignal HD at Navy para sa last spot ng finals ang makasasagupa nila.


Binuhat ni Veteran Nico Almendras ang buong team ng NU-Sta. Elena nang umiskor ng 26 puntos sa bisa ng 23 kills. Nag-ambag si Obed Mukaba ng 14 puntos habang si Michaelo Budding ay matamlay pa sa umpisa pero tumapos ng 13 puntos. "Deserving talaga 'yung team na makuha 'yung semifinals na lahat panalo.


Siyempre, credit sa mga player ko na ginawa talaga nila 'yung best nila," tuwang pahayag ni NU-Sta. Elena head coach Dante Alinsunurin.


Matapos na lumamang sa unang 2 sets, pumalaot pa rin sa ikatlong frame ang NU at nakontrol ang laban. Umabot sa set point, 24-20 sa tikas ni Almendras pero nag-service error si Mukaba kaya nabuhayan ang VNS.


Samantala, pinatalsik ng Cignal ang PGJC-Navy sa three sets, 25-22, 25-21, 25-20 para umabanse na rin sa finals.


Si Marck Espejo ang bumida matapos na makabalik mula sa injury ng left Achilles na natamo niya noong Sabado kontra VNS-One Alicia. Sa kanyang pagbabalik, pinangunahan niya ang HD Spikers sa tatlong sunod na pagpasok sa finals.


Ang Game 1 ng finals sa pagitan ng Cignal at NU-Sta. Elena ay ngayong Huwebes ng 5:30 p.m. Makasasagupa naman ng PGJC-Navy ang VNS-One Alicia sa battle-for-bronze ng 2:30 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page