top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Spence, Jr. vs. Ugas sa isang Unification Bout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | January 08, 2022




Tila seselyuhan na ang isang unification title match para sa welterweight division sa pag-amin ni unified IBF/WBC welterweight champion Errol “Truth” Spence Jr sa planong pakikipagbuntalan kay WBA (Superwelterweight) 147-pound titlist Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba sa Abril sa U.S.


Inihayag ng 31-anyos mula Dallas, Texas sa kanyang social media account ang bakbakan nila ng 35-anyos na 2008 Beijing Olympics bronze medalist kasunod ng mga naunang pulong at plano upang matupad na ang inaabangang unification title clash. “The fight’s in April,” pahayag ni Spence Jr. sa kanyang Instagram live laban sa Cuban boxer. “Man down, strap season. He already knows what time it is.”


Ito na marahil ang hudyat para sa Santiago de Cuba native na ang naturang World title fight ay importante dahil kinokonsidera na ng WBA na itulak ito para sa isang title defense kontra kay challenger at undefeated na si Eimantas Stationis ng Lithuania.


Gayunpaman, tila natigil ang negosasyon sa labang ito. Sakaling matuloy ang laban ay kailangan na lang ng unified 147-pound titlist ng isang titulo na hawak ni unbeaten Terrence “Bud” Crawford na WBO title upang tanghaling undisputed champion ng dibisyon. Kasalukuyang No,1 ranked ng The Ring ang 34-anyos na tubong Omaha, Nebraska. No.2 best si Spence at No.3 si Ugas.


Matatandaang napagwagian ni Ugas (24-7, 12 knockouts) ang titulo ng WBA Superwelterweight nang talunin ang eight-division World titlist na si Manny “Pacman” Pacquiao via 12-round unanimous decision noong Agosto 21, 2021 sa Las Vegas.


Dapat sana ay si Spence Jr. (27-0, 21Kos) ang makakatapat ni Pacquiao (62-8-2, 39KOs), ngunit kailangang magpa-opera sa mata ang American boxer.


Nakuha naman ni Spence ang titulo ng IBF kay British Kell Brook noong Mayo 27, 2017 via 11th round TKO, habang naagaw nito ang WBC kontra kay Shawn Porter noong Set. 28, 2019 sa bisa ng 12-round split decision.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page