top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Speed Hitters malakas ang koneksiyon kaysa Chargers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | February 20, 2026



Sorana Cirstea vs. Alexandra Eala

Photo: Sinamantala ni PLDT High Speed Hitters Kianna Dy ang pag-atake sa harapang depensa ng katunggaling si Gretchel Soltones ng Akari Chargers sa maaksyong laro ng PVL ALL Filipino Conference sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City kahapon. ( Bulgar via Reymundo Nillama)  


Mga laro sa Martes

(FilOil Centre)

4 pm – Creamline vs Capital1

6:30 pm – Zus Coffee vs Farm Fresh


Muling nakahanap ng magandang koneksyon sa ikatlo at ikaapat na set ang PLDT High Speed Hitters matapos mabigla sa second set mula sa patuloy na pagbira ni Savannah Dawn Davison tungo sa pagpapanatil ng unbeaten na marka laban sa winless na Akari Chargers sa 25-22, 25-27, 25-21, 25-15, kagabi sa pagpapatuloy ng preliminary rounds ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong hapon sa FilOil Playtime Centre sa San Juan City.


Dahil sa panalo ay makakasama ng High Speed Hitters ang kapwa unbeaten na NXLed Chameleons sa 3-0 kartada na hangad na makakuha ng awtomatikong semifinal berth sakaling mapanatili ang pagkakahawak sa top two spot ng 10-team tournament. 


Tumapos ang Filipino-Canadian Spiker ng kabuuang 18 puntos mula sa 16 atake kasana ang walong excellent receptions, na sinundan ni Majoy Baron sa 14 puntos kabilang ang impresibong pito sa kabuuang 13 blocks, gayundin si Kim Kianna Dy na may 14 marka.

Nag-ambag din ng doble pigura sina Mika Reyes at Alleiah Malaluan na mayroon ring pitong excellent digs, at Jovielyn Prado sa anim puntos, habang namahagi si Kim Fajardo ng 18 excellent sets at dalawang puntos, gayundin si Kath Arado na sumalo ng 26 excellent digs. 


"Siguro ni-remind lang sa system namin na kailangan maraming variety pagdating sa attacks at the same time mag-adjust dun sa defense ng wings ng Akari, kaya kailangan ng patience at mairaos hanggang sa end game," wika ni PLDT head coach Rald Ricafort.

 Bumida para sa Akari si Gretchel Soltones sa 16 puntos mula lahat sa atake kasama ang 13 excellent digs.   


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page