top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Gawilan at Alegarbes 'di sagabal ang kapansanan

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 22, 2026



Hindi sagabal ang kapansanan nina 5th Asian Para Games golden boys Ernie Gawilan at Ariel Joseph Alegarbes upang maging matagumpay sa larangan ng paglangoy. (epochtimes/pscmediapix)

Photo: Hindi sagabal ang kapansanan nina 5th Asian Para Games golden boys Ernie Gawilan at Ariel Joseph Alegarbes upang maging matagumpay sa larangan ng paglangoy. (epochtimes/pscmediapix)



Hindi balakid ang kapansanan para kina 5th Asian Para Games gold medalists Ernie Gawilan  at Ariel Joseph “Arjay” Alegarbes para makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong may may kapansanan na nawalan na ng pag-asa.


Kapwa nagbigay ng gintong medalya ang 2 swimmers sa magkahiwalay na event sa Rainbow Pool ng Nagoya City General Gymnasium, na parehong dumaan sa mga pagsubok.


 “’Yung kapansanan ko, nakuha ko po ito sa abortion. Hindi po siya naging negative sa akin. Nagamit ko po siya sa sports,” pahayag ni Gawilan, na nagwagi ng kanyang ika-5 ginto sa Asian Para Games sa men’s 400-meter Freestyle S7. “Sana makapag-inspire din ako sa mga may kapansanan na nawalan ng pag-asa sa buhay.”


Mayroon namang attention-deficit/ hyperactivity disorder, dyslexia at asthma si Alegarbes na sumubok ding lumahok sa mga palaro ng athletics, boccia, at long jump bago nadiskubre ang husay sa paglangoy. Pinag-aralan niya ito ng siya’y 12-anyos pa lang at matapos ang isang dekada  isa na itong kampeon sa Asian Para Games sa men’s 100-meter backstroke S14.


“I never expected this. Honestly, this is a dream come true,” saad ni Alegarbes. “A few years ago, I promised my coach and my entire family that I would win a gold medal at the Asian Para Games, especially for my country. I did this for them and for all the people here.”


Pinapasalamatan ng husto ng 35-anyos mula Paquibato, Davao City ang kanyang mga lolo’t lola sa pag-aaruga at pagpapalaki sa kanya. “’Yun po ’yung ginawa sa akin, pero sa awa ng Diyos, hindi natuloy. Siguro may plano po para sa akin na magrepresenta sa bansa natin,” esplika ng 11-time ASEAN Para Games titlist. “Kahit hindi na nila naabutan ’yung tagumpay ko, maraming salamat. Dahil sa inyo, nadugtungan ’yung buhay ko at nakapag-representa ako ngayon sa bansa. Dahil sa inyo ’yon.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page