top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Special daw sa kanila… KASAL NINA DOMINIC AT BEA, SA JULY, 2024

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 22, 2023



Last time we checked, umabot na sa mahigit 1 million ang nag-like sa post ni Bea Alonzo sa proposal sa kanya ni Dominic Roque at kabilang na sa mga ito sina Heart Evangelista, Roderick Paulate, Gina Alajar, Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Agot Isidro, Raymart Santiago, Benj Alves, Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Zsa Zsa Padilla, Rita Avila, Dominique Cojuangco, Rachelle Ann Go, Lotlot de Leon, Aga Muhlach at Dennis Trillo.



Ang sunod na inaabangan ay ang kasalan ng dalawa. Tama kaya ang mga fans na baka sa July, 2024 pa ang maging wedding nina Dominic at Bea?


Napansin kasi ng mga fans na maraming special occasions na naganap sa engaged couple sa buwan ng Hulyo.


July 20, 2021 daw nang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon. Noong July 19, 2022 naman binigyan ni Bea ng birthday party ang fiancé. At July 18, 2023 nang mag-propose si Dominic kay Bea.


Tama kaya ang analisa ng mga fans?


Anyway, sa 33rd birthday ni Dominic noong July 20, sa dami ng mga nag-greet sa kanya ng “Happy Birthday”, extra special ang birthday wish ng mom ni Dominic na si Lena Alonte dahil ang hiling nito ay mga apo na agad.


Ang birthday message ni Lena ay, “This is the Happiest Birthday for you, Nak @dominicroque. Kami rin ni papa mo, masayang-masaya para sa inyong dalawa ni Bea.




Good luck and congratulations as a real couple! This is it! Para sa mga mapuputing apo. Love you both.”


Kinakiligan at kinaaliwan ang birthday message na ito ng mom ni Dominic at lalo pa raw sasaya ang parents niya at parents na rin ni Bea kung twins agad ang first born ng dalawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page