top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

South Sudan tinambakan ang China, New Zealand nakalusot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 29, 2023



Buhay pa ang New Zealand matapos patirin ang Jordan sa overtime, 95-87, sa ika-apat na araw ng 2023 FIBA World Cup sa Mall of Asia Arena kahapon. Nagtala din ng doble panalo ang mga kinatawan ng FIBA-Africa at lumusot ang Cabo Verde sa Venezuela sa Okinawa Arena, 81-75, at pinisa ng Timog Sudan ang Tsina sa Araneta Coliseum, 89-69.

Sumakay ang Tall Blacks sa husay ni Izayah Le'Afi na may 2 puntos. Ipinilit ni Rondae Hollis-Jefferson ang overtime sa kanyang himalang four-point play na may 10 segundong nalalabi, 85-85, at nagtapos na may 39 puntos para sa Jordan.


Sa gitna ng huling pagbanta ng Venezuela, 75-77, kalmadong ipinasok nina Will Tavares at Betinho Gomes ang tig-dalawang free throw sa huling 22 segundo upang masiguro ang resulta. Malaking tulong ang depensa na linimitahan ang Venezuela sa siyam na puntos lang sa fourth quarter at makabangon ang Cabo Verde mula sa 59-66 butas.



Nararapat na mamuno sa panalo si Gomes sa kanyang 22 puntos mula sa apat na tres habang 20 si Tavares. Pumantay ang Cabo Verde sa 1-1 habang 0-2 ang Venezuela.

Patuloy na umaani ng paghanga ang Timog Sudan sa estilo ng laro at binuhay ang kampanya nila sa Grupo B. Sisikapin ngayon patumbahin ang higante Serbia sa huli nilang laban at makapasok sa Round Two.


Bumanat ng 21 puntos si Carlik Jones para sa Timog Sudan at tinulungan ni Kuany Kuany na may 16. Matapos walang puntos kontra Serbia, bumawi ang naturalized ng Tsina Kyle Anderson at gumawa ng 22 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page