top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Lady Tamaraws dumikit sa q'finals, Lady Knights lusot

Writer: BULGAR
BULGAR
59 minutes ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 29, 2026



Padapang hinabol ni Katherine Cortez ng Ateneo Lady Blue Eagles ang bola upang ibalik sa kasagupang Letran Lady Knights sa 2026 Shakey's Super League sa Ninoy Aquino Stadium kahapon. Wagi sa unang set ang Lady Blue Eagles sa iskor na, 32-30.   (Gen Villota)

Photo: Padapang hinabol ni Katherine Cortez ng Ateneo Lady Blue Eagles ang bola upang ibalik sa kasagupang Letran Lady Knights sa 2026 Shakey's Super League sa Ninoy Aquino Stadium kahapon. Wagi sa unang set ang Lady Blue Eagles sa iskor na, 32-30. (Gen Villota)


 

Mga laro sa Nob. 7

(Playtime FilOil Centre)

11 a.m. - Adamson vs CSB

1 p.m. - Letran vs UST

3 p.m. - FEU vs NU

5 p.m. - UP vs Ateneo 


Sinuwag ng FEU Lady Tamaraws ang 5-time NCAA titlist CSB Lady Blazers sa bisa ng dominanteng 25-14, 25-9, 25-17 upang lumapit sa kagustuhang makamit ang twice-to-beat bentahe sa quarterfinals tungo sa ikalawang sunod na panalo sa Round of 8, habang nailusot ng reigning NCAA titlists Letran Lady Knights ang reverse sweep panalo kontra Ateneo Lady Eagles sa 30-32, 22-25, 25-17, 26-24, 15-13, sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.


Hindi gaanong nabigatan sa kanilang misyon ang Lady Tamaraws na tinapos lang ang bakbakan sa mahigit isang oras lamang upang makuha ang 2-0 rekord sa Pool E, at kinakailangan na lang na makuha ang tagumpay sa five-seeking NU  Lady Bulldogs (1-0) sa Nob. 7.


Bumida para sa Lady Tams sina opposite spiker Ian David sa 10 points, habang sumegunda si Gerzz Petallo sa 7 marka sa loob lang ng 2 sets, habang nag-ambag din sina Cla Loresco, Alyzza Devosora at Jaz Ellarina na may tig-5 puntos, gayundin si Karyll Miranda sa 10 excellent sets mula sa 41 atake ng FEU.

.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page