top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Sotto, solido ang laro sa NBA 36ers vs. Suns

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 4, 2022



Nagpakita ng solidong performance ang 7-foot-2 Gilas Pilipinas center Kai Zachary Sotto sa impresibong panalo ng koponan nitong Adelaide 36ers matapos pataubin ang 2021 NBA runner-up na Phoenix Suns sa iskor na 134-124 sa NBLxNBA exhibition game na ginanap sa Footprint Center sa Phoenix, Arizona kahapon ng umaga (oras sa Pilipinas).


Kumana ang Pinoy na NBA undrafted ng 11 puntos sa 3-of-6 shooting at isang tres, 2 rebounds, 2 steals at 1 assist sa 18 minutong nilaro kabilang ang pag-post-up kay playmaker legend Chris Paul para makuha ang positibong +11 sa loob ng court.


Mayroon rin itong dalawang dakdak kasama pa ang perpektong 4-of-4 sa free throw line.


Nakakuha ng iba’t ibang papuri at pagkatuwa sa mga puso ang bawat Filipinong natunghayan ang paglalaro ng isang purong Pinoy sa loob ng NBA arena laban sa mga matitikas at batikang manlalaro sa NBA.


Nagawa nitong makipagbanggaan kita dating NBA top pick center Deandre Ayton, bantayan si Paul sa mga pick-and-roll plays at makipagbanggaan para sa backs-out sa rebounding at maging malaking presensiya sa ilalim na nagpa-alanganin sa katunggaling koponan.


Hindi pinalad ang 20-anyos na Las Pinas-native na makapasok sa NBA nang mabigo ito sa nagdaang 2022 NBA Draft matapos ang unang taon sa Adelaide. Magiging malaking tulong ang pagkakabilang nito sa exhibition game upang makita ang laro ng mga scout’s ng liga.


Naging malaking tulong si Sotto sa paglikha ng 16-puntos na kalamangan ng 36ers sa pamamagitan ng 2 free throws sa 6:20 ng 2nd quarter para sa 57-41 na nagdala sa 71-59 sa halftime.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page