Sotto, pinarangalan ng Australian NBL-Fans MVP
- BULGAR
- Feb 9, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | February 9, 2023

Matapos ianunsiyo ang paglipat ni Kai Zachary Sotto sa Hiroshima Dragonflies sa Japan B.League, binigyan pa ito ng huling parangal ng Australian National Basketball League nang makuha ang ikalawang sunod na Fans MVP award sa magkasunod na taon.
Inanunsyo ng NBL nitong Martes ng gabi ang pagkakahirang sa 7-foot-3 center ilang araw matapos lisanin ang Adelaide 36ers, kasunod ng pagkuha ng maraming boto mula sa mga fans na naglaro ng kabuuang 56 laro sa koponan sa loob ng pananatili ng dalawang taon sa Australia.
Tinaggap naman mismo ni Sotto ang naturang parangal sa The Andrew Gaze MVP awards kasama ang kanyang mga kakampi sa 36ers. “NBL the fans have spoken. Kai Sotto is your NBL23 fans MVP for the second straight season,” ayon sa social media post ng liga na hatid ng Chemist Warehouse.
Minsan itong binigyan ng pagkakataon na maging parte ng starting line up para kumubra ng 6.81 puntos at 4.48 rebounds kada laro sa loob ng 13 minuto para sa 2022-2023 season. Gayunpaman, hindi nakamit ng Adelaide na makapasok sa NBL playoffs mula sa 13-15 na kartada upang tumapos sa ika-walo sa 10 koponan na liga.
Nito ring Martes ay pumirma sa Dragonflies ang 20-anyos na miyembro ng Gilas Pilipinas squad upang tapusin ang 2022-23 season ng B.League bago nito ipagpatuloy ang paghaharap sa kanyang pangarap na makapasok sa National Basketball Association (NBA).





Comments