Sotto, darating sa 18 mula Australia, Clarkson susunod
- BULGAR
- Aug 14, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | August 14, 2022

Nakaiskedyul nang dumating si Kai Sotto, ang 7-foot-3 center na naglalaro sa Adelaide 36ers sa NBL Australia sa susunod na Linggo, Agosto 18.
Susunod sa ibang araw naman na darating si NBA star Jordan Clarkson para mabigyan sila ng sapat na ilang araw na makapag-adjust sa sistema ng Gilas Pilipinas na naghahanda sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifier fourth window.
Kinumpirma iyan sa ABS-CBN News ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) spokesperson Sonny Barrios. "Mauuna si Sotto on the 18th while Clarkson will be on the 19th," saad ni Barrios via Viber message.
Aalis ang Gilas Pilipinas sa Agosto 21 patungong Beirut kung saan makakalaban ang Lebanon sa Agosto 25 ng 9 p.m. (August 26, 2 a.m. sa Manila) at Saudi Arabia sa August 29, 7 p.m. sa Manila.
Nakapangako na sina Sotto at Clarkson na maglaro sa fourth window of the World Cup Asian Qualifier. Tiyak iyan na mapapalakas nila ang roster ng national team na kinabibilangan din ng magkapatid na sina Kiefer at Thirdy Ravena, Ray Parks, at Dwight Ramos, lahat sila ay naglalaro sa Japan B. League; sina UAAP players Carl Tamayo, LeBron Lopez at Kevin Quiambao; at iba pang piniling PBA players. Kabilang sa mga naiulat na isasama sa Gilas sina Calvin Oftana ng NLEX, reigning MVP Scottie Thompson, at 6-foot-9 athletic forward Japeth Aguilar. "We are glad to have Kai into the Gilas fold and thank him for his proactive response to play for flag and country for the August Qualifiers," dagdag ni Barrios.








Comments