top of page
Pokwang.jpg

Sosyal, dahil may 10 M subscribers na sa YouTube…IVANA, CHOPPER NA ANG SERVICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 16, 2020




Kahit one week na hindi nakagawa ng vlog sa kanyang YouTube channel ang sexy at flawless na si Ivana Alawi dahil sa pag-aasikaso sa kapatid niyang si Mona Louise Rey na nagkasakit, pumalo pa rin sa 10 M ang kanyang mga subscribers.


Kaya naman, nangako si Ivana na magse-share ng kanyang blessings at mamimigay ng pamasko sa mga nangangailangan ng ayuda.


Noong nag-lockdown dahil sa Covid pandemic ay namahagi rin ng relief goods si Ivana sa mga nawalan ng pagkakakitaan.


Ang napansin lang namin sa mga celebrity vloggers, alam nilang dumiskarte kung paano lumakas ang kanilang impact sa kanilang mga followers. Nakikipag-collab sila sa kapwa celebrities na popular at malakas ang hatak sa tao.


Nagkatrabaho na si Ivana at ang sikat at matapang na si Raffty Tulfo. Nakagawa na rin sila ng vlog ni Alex Gonzaga na tulad niya ay milyun-milyon na rin ang YT subscribers.


At ang latest niyang naka-collab ay ang kapwa niya vlogger na si Mimiyuuh na masang-masa ang appeal. Dumayo pa sila sa Tagaytay sakay ng private chopper para lang makagawa ng kanilang vlog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page