top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sorry ni Zeinab, tinanggap na, todo-parinig pa rin… ROBI, TINAWAG NA GAMITERO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 12, 2022




“Simpleng gamitero rin si Robi (Domingo), eh. Hindi maka-move-on sa sinabi ni Zeinab Harake na wala siyang market. Nag-sorry na ‘yung tao at in-acknowledge naman niya,” ang komento ng kilalang influencer na ayaw pasabi ang name.


Nabanggit kasi noon ng sikat na influencer na si Zeinab na walang market si Robi o wala siyang gaanong followers, pero sa kalaunan ay humingi rin naman ng dispensa ang una at tinanggap naman 'yun ng binata.


Pero hindi pa pala nagtapos doon ang isyu dahil may mga posts pa si Robi na mas importante sa kanya ang audience kesa market na tama rin naman. Sinabi rin nitong hindi baleng walang market basta may forever.


Ang hindi lang nagustuhan ng kausap naming kilalang influencer ay, “Nu’ng nag-propose siya sa girlfriend niya nu’ng nasa Japan, ang caption niya, ‘Officially off the market.’ Tapos na ang isyu, 'di ba? Bakit balik-balik? Hindi ba simpleng panggagamit ‘yun?”


Wala naman kaming maisagot dahil hindi namin kilala nang personal si Robi kaya hindi rin namin siya isinusulat, pero sa pagkakataong ito ay nakuha niya ang atensiyon namin dahil nga sa sinabing simpleng panggagamit niya.


Hanggang sa may mga nakausap na rin kaming ibang vloggers na kilala ang TV host at naikuwento rin kung bakit sila naghiwalay ng dating girlfriend na si Gretchen Ho.


Kung matatandaan, walang nagsalita noon sa dalawa kung bakit sila naghiwalay.


“Robi’s part kasi. Siyempre, hindi naman manggagaling kay Gretchen ‘yun, at hindi rin ilalabas iyon ni Robi,” sabi sa amin.


Well, tapos na ‘yun, engaged na si Robi sa kanyang long-time girlfriend at masaya na sila sa isa’t isa.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay napanood namin ang opinyon ni Ogie Diaz sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na in-upload kahapon sa YouTube channel nila.


Ang paliwanag ni Ogie kaya siguro patuloy na ginagamit ni Robi ang salitang ‘market,’ “Oo, paulit-ulit si Robi na hindi na siya naka-move on habang naka-move on na si Zeinab?


“Sa opinyon ko lang ‘to, ha? May mga ganu’n talaga na tao na kung ano ang isyu sa kanila o ano ‘yung naging big deal sa mga tao tungkol sa kanya ay gagamitin niya ‘yun para makahinga siya (sabay muwestra).


“Intinding-intindi ko si Robi kasi ganyan din ako kapag may gusto akong alaskahin, hindi dahil sa hindi ako naka-move on, naka-move on na ako, trip ko lang siya,” pahayag ni Ogie.


Dagdag pa nito, “Okay na sina Zeinab at Robi, parang alaska lang ‘yun kay Robi. Si Luis Manzano, ganu’n, eh. 'Di ba, idol niya (Robi) si Luis?”


Say naman ni Mama Loi, “Kasi na-associate si Robi sa word na market, Robi-Market.”


“Malay mo naman, kunin siya (endorser) ng Market Market? O ng Supermarket. Tapos, magtatanong siya ng ‘market?’” tumatawang sabi ni Ogie.


Hayan, naging laughing stock na si Robi dahil sa market thing na ‘yan.\




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page