top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sorry na lang sa iba… KINUMPIRMA NG VIVA BIG BOSS: AZI, REYNA NG VIVAMAX!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 3, 2023



Hindi mahihirapan ang Vivamax na maabot ang target nilang 10 million subscribers dahil magaganda ang line-up ng mga parating pa nilang pelikula.


Ipinagdiwang ng Vivamax ang 7 million subscribers na naabot nila noong Mayo lang, kaya siguradong ang susunod na celebration ay para sa 10 M subscribers na.


Hindi mauubusan ng mga papanoorin ang 7 M subscribers ng Vivamax dahil maraming naka-line-up na movies for them.


Kahapon, June 2, ang streaming ng Star Dancer ni Director Pam Miras na tampok sina Rose Van Ginkel at Denise Esteban.


Binanggit nina Vincent del Rosario at Valerie del Rosario ang ilan sa Vivamax movies na for streaming gaya ng Hostoat Japino ni Brillante Mendoza, Secret Campus at Choose (y) Me ni Joey Reyes.


Nandiyan din ang Bugaw ni Yam Laranas, Rita ni Jerry Lopez Sineneng, Ilang ni Jeffrey Hidalgo, Tayuan ni Topel Lee, ang Call Me Alma, Burlesk ni Mac Alejandre at maraming-marami pa.



Sa celebration ng 7 M subscribers ng Vivamax, ipinaalala na active na rin ang Viva One kung saan classic Viva titles ang mga mapapanood. At meron ding ipo-produce na new content para sa naturang streaming platform.


Sa nasabing celebration, ipinakilala rin ang mga bagong grupo sa Vivamax tulad ng “A-Listers” nina Aiko Garcia, Alexa Ocampo, Ayanna Misola at Azi Acosta at ang “VMX Bellas” nina Hershie de Leon, Tiffany Grey, Angelica Cervantes, Denise Esteban at Quinn Carillo.


Kasama sa “A-Listers” group si Azi Acosta na ayon kay Vincent del Rosario ay “Reyna ng Vivamax” ngayon dahil dalawa sa pelikula nito ay nasa Top 3.


Ang tanong, wala kayang ma-insecure na ibang Vivamax beauties dito?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page