Sorry na lang kay Yorme… MOVIE NI ISKO, ‘DI MAIPALABAS SA MGA SINEHAN
- BULGAR
- Jan 19, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 19, 2022

Nabasa namin kay Director Joven Tan na hindi maipapalabas sa mga sinehan sa January 21 ang pelikula niyang Yorme: The Isko Domagoso Story.
Mapapanood na lang ang pelikula via streaming sa KTX, Upstream, iWantTFC, at Vivamax worldwide.
Gusto pa naman ni Isko na sa mga sinehan maipalabas ang Yorme para mas marami ang makapanood at pati raw bata ay makapanood sana. ‘Yun din ang dahilan kaya hindi natuloy ang showing nito sa original playdate last December. Hindi naman akalain ni Isko na darating si Omicron, kaya sarado uli ang mga sinehan.
Samantala, maganda ang suhestiyon ni Isko na magkaroon ng drive-thru booster
vaccination sa mga toll gates gaya ng NLEx, SLEx, TPLEx, Star Tollway sa entrance at exit nito para mas marami ang mapabakunahan. Positive ang feedback ng tao sa suhestiyon na ito ni Isko, pumapayag sila.
Comments