top of page
Search
  • BULGAR

Sorry na lang, Daniel… PAGSASAMA NINA KATHRYN AT ALDEN SA CANADA, TULOY NA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 24, 2024





TULOY na tuloy na raw ang sequel ng 2019 blockbuster hit movie na Hello, Love, Goodbye (HLG) na pinagbidahan nina Alden Richards and Kathryn Bernardo at idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana.


Ayon sa tsika ni Cristy Fermin sa vlog niyang Showbiz Now Na with Romel Chika and Wendell Alvarez, kasalukuyan daw nasa Canada ang staff ng Star Cinema para maghanap ng potential locations na pagsyusyutingan ng pelikula.


“Mga kaibigan ko mismo sa Alberta, Canada ang nagkukuwento na nandu’n na po ang staff ng Star Cinema pati si Direk Cathy Garcia-Sampana,” pagbabalita ni ‘Nay Cristy.  


“Nag-i-scout na po sila ng mga lugar-lugar, location hunting, ‘di ba, titingnan, eh, Alberta po ‘yan, nandiyan po ang pinakamagagandang lugar,” patuloy pa niya.


Napag-usapan nga rin nila na ang last frame ng HLG ay nasa airport ang karakter ni Kathryn na si Joy dahil tutungo nga ito ng Canada. Kaya, hindi naman kataka-takang sa nasabing bansa nila gawin ang part 2.


Dagdag pang tsika ni ‘Nay Cristy, “Heto na, ang sabi nila, kaya raw napapabalita na nanliligaw na ngayon si Tisoy (Alden) kay Kathryn ay promo na raw ito. Ako, hindi ko pinaniniwalaan ‘yun.”


Hindi pa naman daw kasi natatapos ang pelikula at ni hindi pa nga nauumpisahan kaya paanong nasa promo na agad?


Anyway, ngayon pa lang ay napakarami nang naghihintay sa sequel ng HLG at hindi lang ‘yan, abangers din ang lahat kung ano ba ang kahahantungan ng KathDen love team in real life. Maging sila na nga kaya habang isinu-shoot ang pelikula if ever man na totoo ngang may part 2?


‘Yan ang isang napakalaking kaabang-abang.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page