Sorry, Iza, Kaila at Kim… MARICEL: JODI, PINAKAMAGALING NA AKTRES
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 19, 2023

Para kay Maricel Soriano, si Jodi Sta. Maria ang mas mahusay umarte kaysa sa iba pa niyang nakasamang aktres.
Sa vlog ni Aiko Melendez ay nahilingan kasi si Maria na i-rank ang apat na aktres na nakasama niya lately.
Tanong ni Aiko, “Sa mga nakasama mong actress sa recent projects mo, rank the best from the least in acting: Kim Chiu, Kaila Estrada, Jodi Sta. Maria and Iza Calzado.”
Sagot ni Maria, “Number one ko, si Jodi. Number 2 si Iza, No. 3 si Kaila, (No. 4) si Kim Chiu.”
Pero nilinaw naman agad ni Maria na mahuhusay lahat ang apat na aktres.
“May ranking kasi, ‘di ba, sa husay nila? Pero mahuhusay sila in their own right,” ani Maricel.
Natanong ang bida ng In His Mother’s Eyes kung sino’ng celebrity ang sinigawan niya sa set dahil hindi makaarte nang tama.
“Ang alam ko, si Claudine (Barretto) yata. Kami ni Clau-Clau. Baby pa kasi siya nu’n,” sabi ni Marya.
May crying scene raw kasi sila ni Claudine that time at hindi ito nagre-react dahil ang buhok nito ay nasa mukha.
“Sabi ko, ‘Puwede mong hawiin ‘yan, anak, habang umiiyak ka, ‘wag kang papayag na nandu’n lahat sa mukha mo ‘yung buhok.’ Sabi ko, ‘Kasi puwede ka namang umiyak tapos inaayos mo ‘yung sarili mo habang umiiyak ka.’ Sabi kong ganu’n. Tinuruan ko,” kuwento ni Marya.
Pero sey ni Aiko, pagkatapos naman daw nu’n ay naging isa si Claudine sa mga magagaling na artista natin at dahil daw ito sa guidance ni Maricel.
Matatandaang nagkasama sina Claudine at Maricel sa pelikulang Soltera in 1999.





Comments