top of page
Search
  • BULGAR

Sori na lang sa mga todo-asa sa balikan… JOHN LLOYD, MAS TYPE SI JASMINE KESA KAY BEA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 17, 2022



Dismayado ang mga Bea Alonzo-John Lloyd Cruz fans dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ang pangarap nilang reunion project ng kanilang iniidolong screen love team.


Pareho nang nasa GMA Network sina Bea at JLC at puwede nang magtambal sa serye. Pero, mas ginusto ni Lloydie na isang sitcom ang gawin kung saan iba't ibang Kapuso actress ang kanyang mga guests.


Si Bea Alonzo naman, inuna ang project nila ni Alden Richards, ang Start Up na isang Korean adaptation.


Ikinalungkot din ng mga fans ni Bea ang naging pahayag ni Lloydie na mas type niyang si Jasmine Curtis-Smith ang makapareha sa project na kanyang gagawin. Si Jasmine ay nakapag-guest na sa sitcom na Happy ToGetHer. Naging masaya ang kanilang unang team-up ni JLC.


So, hanggang kailan aasa at maghihintay ang mga Bea-John Lloyd fans sa kanilang reunion movie? Paano kung magpakasal na sina Bea at Dominic Roque?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page