Sori na lang sa ex-wife… GABBY, DEDMA, NI HINDI BINATI SI SHARON SA B-DAY
- BULGAR
- Jan 8, 2022
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 08, 2022

Karamihan sa showbiz industry, markado ang January 6 bilang kaarawan ni Megastar Sharon Cuneta. Kaya naman, nag-uumapaw ang kanyang mga co-actors, family and friends sa pagbati sa kanyang birthday.
Hindi naman nag-aksaya ng oras si Mega na pasalamatan ang lahat ng nakaalala sa kanyang espesyal na araw kung saan 56 na ngayong taon ang veteran actress.
Sa kanyang Instagram post, sabi ni Mega, "Yup - these all me!" na ang tinutukoy ng aktres ay ang ipinost niyang throwback pictures niya nu'ng bata pa siya, hanggang sa naging teen-ager at kalauna'y naging Megastar sa showbiz.
Sinundan niya ito ng pasasalamat, "Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today! So sorry po, 'di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my [heart]. I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life."
Hindi naman nakalimot ang panganay nina Sharon at Gabby Concepcion na si KC na batiin ang kanyang ina sa kaarawan nito.
"January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what," post ni KC sa kanyang Instagram account bilang pagbati kay Sharon.
Maging ang "younger sister" sa showbiz ni Sharon na si Judy Ann Santos ay nagpaabot ng pagbati.
"Para sa 'yo, kakanta ako nang live nang walang sabi-sabi ate @reallysharoncuneta. Para sa 'yo, magluluto ako ng mga paborito mong pagkain agad-agad... mula sa pinakamasarap na curry hanggang sa pinakamabahong keso, ibibigay ko sa 'yo. Ganyan ka kahalaga sa akin.
Happy birthday, my dearest ate! I love you with all my heart… apdo, balumbalunan, bituka, liver, kidneys, lungs atbp. We love you forever!" ani Juday.
Ang mga co-stars nito sa FPJ's Ang Probinsyano gaya nina Coco Martin, Julia Montes, Joseph Marco, Ara Mina, Angel Aquino, Rowell Santiago at marami pang iba ay nagbigay din ng pag-alala at pagbati kay Megastar.
May mga ShaGab fans namang nag-expect na babatiin ni Gabby si Sharon sa kaarawan nito, pero nabigo sila dahil dedma lang si Gabo.








Comments