Sopla sa mga netizens… ALEX, TODO-REKLAMO VS. PLDT, BIGLA RING BINURA ANG POST
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 30, 2022

Deleted na ang Twitter post ni Alex Gonzaga hinggil sa hinaing niya sa PLDT internet provider.
Kung matatandaan, inilabas namin kahapon ang tweet ni Alex nang siya ay magreklamo.
"PLDT please fix my internet sa condo. I've been paying for 4 mos. na wala akong internet. Grabe kayo mag-remind to pay monthly pero lagi, pa-delay kayo para ayusin. Pls, pls, fix kasi ayaw n'yo kaming pansinin privately @PLDT.cares"
Ang sumunod na tweet ng TV host actress-vlogger, "Hahaha! Nakakatawa at tuwa naman, nag-viral pala 'yung tweet ko dahil may 'unity' na replies. Thank you, siguro kaya lalo napabilis pag-ayos ng internet namin. But tama let's end negativity and be united as a nation."
Tanong ng ilang netizens, "Anyare, bakit dinelete na?"
Ang sagot ni Alex, "Kasi ayos na!"
Eh, may makulit na netizen, "Kahit ayos na, 'di dapat delete, kasi parang 'yung history lang 'yan na pilit inire-rewrite dahil lang mukhang ayos na… binubura ang history at pinapalitan ng something na mukhang ayos."
Naasar si Alex sa nagkomento at sinabing, "Heto ang piso, hanap ka kausap mo."
Ayon naman sa commenter, "Hindi ko naman siya kinakampihan pero kailangan talaga, big deal 'yung word na unity? Ano ba 'yan"
Pinatulan naman ng isa ang piso reply ng Lunch Out Loud host, "Sayang ang piso para sa isang pathetic loser, Alex, hahaha!"
"Basag na basag sa mga bashers. Dasurv!"
"Ay, napikon! HAHAHAHA 'di siya talaga witty and very problematic pa."
May nagsasabi namang, "'Pag celeb, nagreklamo, aksiyon agad. Kaya high blood din ang mga netizens, hahaha! Pero ganyan talaga sa Twitter, pa-witty-han. Sa FB naman 'yung mga sabaw!"





Comments