top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sonnet Forty Three astig sa Juvenile Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 6, 2023


Ipinakita ni Sonnet Forty Three ang kanyang tikas sa karerahan nang manalo sa 2023 PHILRACOM "1st Leg Juvenile Stakes Race" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Napahirapan sa unahan si Sonnet Forty Three, kahit nabuliglig ng tatlong kabayo ay nagawa pa rin nitong masungkit ang korona. Sinunggaban ni Sonnet Forty Three ang unahan paglabas ng aparato pero nasundan at nakapitan agad siya nina Ghost, Artsev at Mommy's Love.


Lumampas ng kalahating kabayo si Ghost kay Sonnet Forty Three sa kalagitnaan ng karera at nasa likuran nila sina Artsev at Mommy's Love.


Mainit ang naging bakbakan nina Ghost at Sonnet Forty Three, tumulin ang kanilang takbo kaya naiwanan nila ng limang kabayo ang mga nasa likuran nila.


Pagsapit ng hometurn ay magkapanabayan pa rin sina Ghost at Sonnet Forty Three pero umabante ng bahagya ang winning horse sa huling 150 metro ng karera. Pero napahirapan pa rin ang Sonnet Forty Three dahil ayaw bumigay ng Ghost hanggang sa pagtawid sa meta.


Nanalo si Sonnet forty three ng may kalahating kabayong agwat sa pumangalawang si Ghost sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, inirehistro ni Sonnet Forty Three ang tiyempong 1:26.6 minuto sa 1,400 meter race.


Nasilo ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang P1,080,000 premyo, nakopo ng Ghost ang P360,000 second place prize.


Hinamig naman ni Kerby Chua, ang breeder ng nanalong kabayo ang P90,000 habang tig-P54,000 at P36,000 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page