top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Songbird, last major concert na raw sa October… OGIE: REGINE, ‘DI PA TITIGIL SA PAGKANTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12h
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 22, 2026



FRANKLY - OGIE REGINE, ‘DI PA TITIGIL SA PAGKANTA-IG _ogiealcasid

Photo: IG _ogiealcasid



Nilinaw ni Ogie Alcasid na hindi pa magreretiro ang misis niyang si Regine Velasquez sa pagkanta.


Matatandaan kasing inanunsiyo ni Asia’s Songbird na magkakaroon na siya ng finale concert on October 17 and 18 bilang selebrasyon ng kanyang 40th anniversary sa showbiz. Gaganapin ito sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Ayon kay Regine, ito na raw ang kanyang last solo concert. Kaya ang akala ng mga tao ay titigil na sa pag-awit si Songbird.


Sa pocket mediacon ni Ogie kahapon (May 21) para sa kanyang Father’s Day concert titled Daddyokie na gaganapin ngayong Hunyo, isa nga sa mga naitanong sa OPM icon ay kung napag-usapan ba nila ni Regine ang desisyon nitong tumigil na sa pagkanta at sey niya, “‘Di pa s’ya magre-retire, ha?”


Wika pa niya, “I don’t think she’s going to stop lalo pa ngayon. Ang galing-galing pa rin n’ya, eh.”


Ang sinabi raw ni Regine ay last major concert na niya ang upcoming show on October, pero kakanta pa rin naman ito.


“I think she’s going to do more collabs, which ‘yun naman ang lagi n’yang ginagawa, ‘di ba?” sabi ni Ogie.


Pero inamin naman niyang nag-usap sila ni Regine nang masinsinan tungkol dito. Naging emosyonal pa nga raw ang kanilang pag-uusap.


“This (singing) is her love, aside from me,” sambit ng singer-songwriter.

“Nag-usap kami nang masinsinan. Sabi ko sa kanya, ‘Hon, kung pagod ka na, and you feel like you wanna spend more time with Nate (their son) and with the family, don’t worry, we’ll all be okay,’” pagbabahagi ni Ogie.


“But ako, feeling ko, she’ll be singing forever,” dugtong niya.


Samantala, ayon kay Ogie, ang Daddyokie ay concert daw for all the daddies, young and old. Marami raw siyang inihandang songs from the old days.


“It’s very different from all the concert na ginagawa ko, kasi ‘yung mga concerts ko, laging kanta ko lang ang kinakanta ko. So, this time around, it’s a throwback sa lahat ng mga songs na kinalakihan natin,” aniya.


“Mga tatay naman ang pakakantahin ko, so it’s a chance also for the daddies to jam with me,” sey pa niya.


Daddyokie is happening on June 19 and 20, 8:00 PM sa Proscenium Theater in Rockwell. 


Makakasama ni Ogie Alcasid bilang mga guests sina Bela Padilla at Karylle.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page