top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Songbird, game na game… JANE, INAYAWANG MAKAEKSENA SI REGINE SA DARNA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 28, 2023




Sunud-sunod ang balita tungkol sa Darna series ni Jane de Leon na kamakailan lang ay ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute, na napapakinggan sa Radyo 5, 92.3 News FM, ang hindi pagkakatuloy ng guesting ni Regine Velasquez bilang pasabog sa nalalapit na pagtatapos ng Mars Ravelo series.


Ayon sa source ni ‘Nay Cristy na binasa niya sa ere, “May kuwento ako Inay. Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna. Walang kaabug-abog daw nu’ng sinabihan ng prod (production) si Regine, umoo, nagbigay ng schedule at ni walang tanong (kung) magkano (ang) TF (talent fee).


"Sa kasamaang-palad, hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon, paimportante, gusto ng hitad, double na lang daw ang iharap kay Regine, tapos mag-chroma na lang siya kasi kesyo madaming dahilan ang hitad. Kaya 'di pumatok ang Darna ay dahil hindi minahal ang lead.”


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay sinabihan kami ng taga-Kapamilya Network na maglalabas sila ng official statement kung bakit hindi natuloy si Regine sa guesting nito sa Darna, at heto nga ang ipinadala nila sa amin.


"Bilang paglilinaw, hindi natuloy ang guesting ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa Mars Ravelo’s Darna dahil hindi napagtugma ang schedule nila ni Jane de Leon. Buong puso kaming nagpapasalamat kay Regine sa malugod niyang pagtanggap sa aming imbitasyon."


Si Regine ay gumanap na ring Darna sa pelikula noong 2005 ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na Captain Barbell kaya siguro gustong magkaroon sila ng face-off ni Jane sa ending.


Anyway, tungkol pa rin sa Darna series ay inihinto ang airing nito sa bansang Indonesia through ANTV free TV.


Base sa post ng Hola sa FB page nila, “Matapos lang ang dalawang linggo sa ere, itinigil na umano ang pagpapalabas ng Kapamilya fantaserye na Mars Ravelo's Darna sa bansang Indonesia.


“Ayon sa mga balita, pinull-out na at hindi na ngayon ipinapalabas ang serye sa ANTV na isa sa free TV sa kanilang bansa dahil sa hindi raw akma sa mga nakagawian at kultura ng mga Muslim at batas ng Indonesia ang ilang eksena ng nasabing palabas.


“May pagkakataon raw na hindi na makita ang bidang aktres na si Jane De Leon na nakasuot ng Darna costume dahil sa sobrang pag-blur sa kanya sa show.


“Isang Muslim country ang bansang Indonesia kaya naman may mga nakagawian at kultura ang mga tao roon na kaiba kumpara sa atin. Iba rin ang batas na umiiral sa kanilang bansa na kailangang masunod.


“Sa ngayon ay isang re-run ng local program nila sa Indonesia ang ipinalit sa timeslot na iniwan ng Darna."


Humingi kami ng reaksiyon through ABS-CBN Corporate Communication tungkol dito at ang ibinigay na sagot ng International Sales Division ng ABS-CBN na kausap ng ANTV ay:


“Indonesia recently stopped analog TV broadcasting and shifted to digital TV broadcasting ANTV determined that it would be better for viewers to enjoy Darna once the transition to digital TV broadcasting has been completed. New airing details will be announced soon."


Sa madaling salita ay ipapalabas pa rin ang Darna series ni Jane de Leon sa Indonesia kapag naayos na ang digital TV broadcasting nila.


Hmmm, may finale mediacon ang Darna sa Lunes, sasagutin kaya ni Jane ang isyung ipinupukol sa kanya na double na lang niya ang ihaharap kay Regine?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page