top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Song Of Silver nanalo sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 11, 2023



Kuminang si Song Of Silver noong Linggo ng hapon matapos ilampaso ang mga nakatunggali sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.


Ginabayan ni jockey MP Canete, inirehistro ni Song Of Silver ang tiyempong 1:29 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si WC Tan ang P10,000 added prize.


Tinawid ni Song Of Silver ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Adorable Felicia sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pumangatlo si Dollarama habang pang-apat tumawid sa meta si Double Rock.


Sa kaagahan ng karera ay tinutukan ni Song Of Silver ang humahawak ng bandera na si Markees Angel pero pagsapit ng huling kurbada ay nagkapanabayan na ang dalawa at kasama na rin sa kanila si Adorable Felicia.


Nasilayan ang tikas ni Song Of Silver sa rektahan ng ungusan nito ang dehadong si Adorable Felicia para tumuloy sa meta.


Dahil sa panalo, hinangaan ng mga karerista ang husay ni Song Of Silver.


Samantala, nagsaya ang mga karerista sa inihandang karera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) nakaraan at tiyak na masisiyahan sila muli dahil may stakes race na pakakawalan sa darating na Linggo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page