SONA ni BBM, budol — Imee

ni Mylene Alfonso @News | July 28, 2026

Photo: SONA / Imee Marcos - FB
Tinawag na ‘pambubudol’ ni Sen. Imee Marcos ang naging pahayag ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, na malapit nang sampahan ng kaso ng Ombudsman si ex-Speaker Martin Romualdez kaugnay ng flood control scandal.
“Hindi siya ang simula at hindi siya ang dulo, at kung siya ang ipipilit, ibig bang sabihin, pinatakbo niyang mag-isa ang gobyernong ito?” saad ni Marcos.
“Anyare na sa "MAHIYA NAMAN KAYO"-eh ligtas pa rin naman ang mga walang hiya,” dagdag pa niya.





Comments