top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Solusyon sa lumang pader na nanganganib na bumagsak

BULGAR
Jun 17, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 17, 2022


Dear Chief Acosta,


Nababahala ako sa pader ng isa sa mga bahay na palagi kong dinaraanan papasok sa trabaho. May kataasan ito, ngunit halatang may kalumaan na’t malapit na bumagsak. Sinubukan kong lapitan ang may-ari ng lugar na iyon, ngunit hindi niya dininig ang aking pakiusap. Nag-aalala ako sa aking kaligtasan pati na rin sa iba pang dumaraan dito.


Ano kayang hakbang ang puwede kong gawin para masolusyunan ito?


- Cathy


Dear Cathy,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 482 ng Civil Code of the Philippines na nagsaad na:


“ARTICLE 482. If a building, wall, column, or any other construction is in danger of falling, the owner shall be obliged to demolish it or to execute the necessary work in order to prevent it from falling.


If the proprietor does not comply with this obligation, the administrative authorities may order the demolition of the structure at the expense of the owner or take measures to insure public safety”


Malinaw na nakasaad sa batas na kung ang gusali, dingding, haligi o iba pang konstruksyon ay nanganganib na bumagsak, obligado ang may-ari na gibain ito o magsagawa ng kinakailangang hakbang upang maiwasan itong bumagsak. Kung hindi gawin ng may-ari ang nasabing obligasyon, maaaring mag-utos ang administratibong awtoridad ng demolisyon ng istraktura sa gastos ng may-ari o gumawa ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. Kaugnay nito, dahil hindi dininig ng may-ari ng bahay ang inyong pakiusap na masolusyunan ang problema sa kanilang pader, maaari kayong lumapit sa mga awtoridad na nakasasakop nito na gagawa ng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page