top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Solo na lang sa bahay… KEEMPEE, NILAYASAN NA NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 1, 2023




Mag-isa na lang palang namumuhay ang aktor na si Keempee de Leon dahil ang nag-iisa niyang anak na babae na edad 26 na ay nasa poder na ng lola nito at sa bandang South naninirahan ang mag-lola.


Nakatsikahan namin si Keempee sa cast party ng pelikulang Here Comes The Groom na entry sa First Summer Metro Manila Film Festival.


Wala ring karelasyon ang aktor dahil ang katwiran niya, "Work muna. Ito muna ang pinaka-focus ko ngayon, maging aktibo ulit sa career at nakakatuwa dahil may mga offers naman."


Si Ms. Malou Choa-Fagar ang manager ni Keempee sa loob ng ilang dekada na at kapag may problema ang aktor ay sa kanya ito nagsasabi.


Bakit hindi kasama ni Keempee ang anak?


"Nasanay na siya sa lola niya kasi pagbalik niya galing States, matagal siya ru'n, nag-work kasi after graduation, eh, umuwi, tapos dumiretso na sa lola niya. Okay kami, weekly naman, dinadalaw ko sila."


Single pa rin ang kanyang anak na si Samantha de Leon.


"Naku, nahihibang sa BTS (boyband), eh. Sige, okay na rin sa 'kin 'yun, parang naging negosyo na rin niya ang collectibles ng BTS, kasi parang may mga kausap siya na deads sa online. Hindi ko masyadong maintindihan. May company siya, eh, pero hindi need na pumasok," esplika ng aktor.


For the nth time ay muli naming tinanong si Keempee tungkol sa sinasabing rebranding ng Eat…

Bulaga! na magdiriwang na ng 44 years sa darating na Hulyo 30 at tulad din ng lagi niyang sagot, wala siyang alam dahil wala naman siyang nakakausap.


"Wala akong nakakausap kasi. Nakakapanghinayang din. Sana, magkaayos sila kasi sayang din naman, ang tagal na," sambit ng aktor.


Inalam namin kung nagkakausap sila ng amang si Joey de Leon at kung okay ba sila.


"Okay naman kami ni Daddy. Hindi lang talaga kami nagkikita eye-to-eye, pero nagkakakumustahan naman,” saad nito.


Diretso naming tanong kung okay sila ng mga kapatid niya sa ama na sina Jocas, Jako at Jio.


"Okay naman kami, hindi lang masasabing close kasi hindi kami nagkikita, walang chance. Tulad din ni Daddy, wala ring chance.


"Pero sina Cheenee (nag-artista rin noon) at daddy ang madalas magkita kasi si Cheenee ang writer ng show ni Daddy sa NET25 (Oh, No! It’s B.O.). Kaya lagi silang nagkakausap at okay naman daw si Daddy nu’ng kumustahin ko,” kaswal na kuwento ni Keempee.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page