Solo lang daw sa condo… BARBIE, SHOCKED NA HALOS P19K ANG ELECTRIC BILL
- BULGAR

- Jun 30
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 30, 2026

Photo: Barbie Imperial - IG
Nabigla ang aktres na si Barbie Imperial matapos umabot sa halos P19 thousand ang kanyang electric bill.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Barbie ang larawan ng kanyang electric bill na umabot sa P18,964. Aniya, hindi niya inaasahan ang ganoong kalaking halaga dahil mag-
isa lamang siyang nakatira sa kanyang condominium unit at halos wala pa siya roon dahil sa kanyang 14 hanggang 16 oras na taping araw-araw.
“‘Yung mag-isa ka lang sa condo, halos wala ka pa araw-araw dahil 14–16 hours ka sa taping. Meralco is wild!!!” saad ni Barbie.
Napapanood si Barbie Imperial sa action-drama series na Blood vs. Duty (BVD). Kasama niya rito ang mga aktor na sina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
INILAHAD ni Sen. Bong Revilla ang kanyang matinding pagdadalamhati sa pagpanaw ng kapatid na si Jojo Bautista sa isang social media post.
Aniya, “Lubos kaming nagdadalamhati sa pagpanaw ng aking kapatid na si Jojo Bautista. Bagama’t mas bata siya sa akin, halos magkasabay kaming lumaki, kaya napakarami naming pinagsamahang alaala na hinding-hindi mabubura.
“Sa kabila ng lahat ng kanyang hinarap at pinagdaanan sa buhay, dalangin namin na ngayon ay matagpuan n’ya ang tunay na kapayapaan at walang hanggang pahinga sa piling ng ating Panginoon.
“Tayo po ay nag-aalay ng panalangin para sa kaluluwa ni Jojo at para sa aming pamilya sa panahong ito ng pagluluksa sa kanyang pagkawala. Doble ang lungkot sapagkat nakasabayan pa niya ang death anniversary ni Daddy.
“Jojo, lubos ang aming kalungkutan sa maaga mong paglisan. Mahal na mahal ka namin at mananatili kang buhay sa aming puso at mga alaala.
“Paalam, Jojo. Nawa’y sumaiyo ang walang hanggang liwanag at kapayapaan. - RBR Page Administrator.”
Our deepest condolences to you, Sen. Bong, and to your entire family.
OPISYAL nang nagsimula ang BINI sa kanilang Signals World Tour sa naganap na sold-out concerts sa Manila at susundan ng isa pang sold-out show sa Cebu sa susunod na buwan.
Para sa kanilang ikalawang world tour, tutungo ang nation’s girl group sa Queen City of the South para sa kauna-unahang concert na magaganap sa SM Seaside Cebu Arena sa July 11 (Sabado).
Lalabas ng bansa ang BINI sa Agosto para ibandera ang musikang Pinoy sa 11-stop North American leg ng concert na magsisimula sa Honolulu, Hawaii sa Aug. 1.
Patuloy na magpapasaya ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa Los Angeles sa Aug. 5, Rohnert Park, California sa August 7, Las Vegas sa August 8, at San Diego sa August 9.
Dadalhin din nila ang Signals sa Canada sa pamamagitan ng show sa Vancouver sa August 18, Calgary sa August 21, Edmonton sa August 22, Winnipeg sa August 24, at Toronto sa August 27. Babalik din sila sa US sa August 28 para sa show sa Brooklyn, New York.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments