top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Social protection at safety nets para sa kababaihan, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 11, 2021



Kasama ng iba pang miyembro ng Senate women committee, naghain tayo ng panukalang-batas na naglalayong masiguro ang kapakanan ng kababaihan sa panahon ng sakuna at pandemya.


Noong Lunes, sa selebrasyon ng International Women’s Day, inihain ang Senate Bill No. 2086 o “Gender Responsive and Inclusive Pandemic Management Act of 2021.”


Ang mga kasapi ng women committee ay sina Sen. Risa Hontiveros, Pia Cayetano, Leila de Lima, Imee Marcos, Grace Poe, Cynthia Villar at ang inyong lingkod.


☻☻☻


Nais ng SB No. 2086 na magpatupad ng mga social protection at safety nets para sa kababaihan, bilang pagtugon sa pagtaas ng bilang ng kaso ng karahasan laban sa kababaihan sa panahon ng pandemya.


Ayon sa United Nations Population Fund, tinatayang umangat ng 20 percent ang global domestic violence, habang nagkaroon naman ng 16 percent na pagtaas sa Pilipinas.


Layunin din ng panukalang-batas na isama ang kababaihan sa paglikha ng pandemic management guidelines, at masiguro ang access at patuloy na operasyon ng mga gender desk at health services, kasama na ang probisyon ng sapat na pondo para sa mga ganitong inisyatiba.


☻☻☻


Marami pang aspeto ng women’s protection and participation ang nakalatag sa panukalang-batas.


Inaanyayahan natin ang kababaihan at maging ang iba pa nating kababayan na basahin ang panukalang-batas sa kabuuan nito nang mabigyang-linaw din ang lahat kung ano ang mga pagkukulang at maaaring susugan sa kasalukuyang mga proseso natin.


Kung may nais kayong idagdag o klaruhin, bukas ang tanggapan naming 7 lady senators para sa inyo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page