Social media influencers, nagkakamal na rin ng pera sa panahon ng eleksiyon
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 13, 2021
GOOD KUNG TOTOO ANG RESULTA NG SURVEY, PERO KUNG PANLOLOKO LANG SA MGA PINOY, BAD—Habang papalapit na ang halalang 2022, parang kabuteng nagsusulputan ang iba’t ibang survey firms na nagsasagawa ng survey at nagbibigay ng ranking sa mga kandidato.
Okay lang sana kung may katotohanan ang mga inilalabas nilang survey, kaya lang ang masaklap ay pang-uunggoy sa mamamayan ang inilalabas nilang ranking, na kahit hindi naman malakas ay pinalalabas nilang malakas ang mahinang kandidato.
Kung bakit ginagawa ng mga survey firms ang ganyan, siyempre ay may dahilan ‘yan, ‘yung tinatawag na “if the price is right”, kung nais ng kandidato na palabasin ng mga survey firms na malakas silang kandidato, boom!
◘◘◘
PATI MGA SOCIAL MEDIA INFLUENCERS NAGKAKAMAL NA NG PERA SA PANAHON NG ELEKSIYON—Ngayong uso na ang social media, hindi lang mga survey firms ang nagkakamal ng salapi sa eleksiyon, kundi pati ang mga social media influencers.
Kapuna-puna na karamihan sa mga social media influencers ay may ikinakampanyang pulitiko, pinalalabas nila sa social media na mabuti ang pagkatao ng ikinakampanya nilang kandidato, kahit masama ang pagkatao nito, buwisit!
◘◘◘
PARA HINDI MABIKTIMA NG FAKE NEWS, MAGRESEARCH—Huwag basta maniwala sa mga media influencers na nagpo-post sa kanilang mga accounts tungkol sa ikinakampanya nilang mga kandidato.
‘Ika nga, para hindi mabiktima ng fake news, matutong mag-research patungkol sa pagkatao ng mga pulitikong ikinakampanya ng mga social media influencers.
Huwag basta maniwala sa post ng mga mukhang perang social media influencers kasi karamihan sa mga ‘yan ay gumagawa ngayon ng mga fake news tungkol sa pulitiko, na ang kapalit siyempre ay pera, boom!





Comments