top of page
Search
  • BULGAR

SOCIAL MEDIA INFLUENCER, SOBRANG BOSSY AT DEMANDING KAYA LAGING INIIWAN NG MGA LALAKI

ni Regge Bonoan @Frankly|November 13, 2023


BLIND ITEM:


Sobrang in love ngayon ang baguhang aktres/social media influencer dahil lahat ng commitment, kayang tablahin kapag tinawagan na siya ng dyowa.


Noon pa ay problema na ang baguhang aktres/social media influencer ng mga taong nasa paligid niya dahil kahit na may pictorial shoot siya para sa product endorsement para sa vlog niya ay hindi niya sinisipot dahil magkikita sila ng dyowa niya. Naloloka tuloy ang ahensiya sa kanya.


O kaya, sisipot siya pero dalawang oras lang ang ibibigay niya para sa pictorial na alam naman ng lahat kung gaano katagal ang kailangang gugulin kapag ganitong shoot.


Magtataray ang baguhang aktres-social media influencer na abala siyang tao at maraming alibi kaya ngayon ay iniiwasan na siyang kunin.


Katwiran kasi ng baguhang aktres-social media influencer ay malaki ang kinikita niya sa vlogs niya kaya kahit wala siyang endorsement ay mabubuhay siya.


“Hanggang kailan siya aasa sa vlogs niya, eh, nagsasawa na nga ang iba kasi walang bago, puro love life ang inuuna,” sambit ng taong kasa-kasama ng baguhang aktres-social media influencer.


Marami na kaming narinig na reklamo tungkol sa taong tinutukoy namin sa blind item at ang pagiging bossy at demanding daw nito ang dahilan kung bakit hindi sila nagtagal ng mga nakarelasyon niya.


“Abangan mo kung hanggang kelan sila ni (dyowa) dahil sa ugali niya,” sambit pa sa amin ng aming kausap.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page