top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sobrang sikat ni Ronaldo, may 400-M followers sa Instagram

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | February 25, 2022





Pinakasikat na sa buong universe ang sportsman na Portuguese dahil ang kauna-unahang sports celebrity na si football superstar Cristiano Ronaldo ay umabot na sa 400 milyon ang followers o tagasunod niya sa Instagram dahilan para mapasigaw sa tuwa ang atleta.


“400 million. Wow, what a number. Now I can say, Siuuuu,” ayon kay Ronaldo sa isang video na ipinost sa kanyang Instagram account noong Lunes.


Ang Portuguese na manlalaro ay nagpasalamat sa kanyang mga tagasunod para sa tagumpay, na inilarawan niya bilang isang “nakamamanghang sandali. “Kung wala ka, magiging imposible ito,” sabi niya. “I will share my life with you, all the things with you because you deserve it.”


Ayon sa isang ulat, pumapangalawa ang record ng account ng manlalaro ng Manchester United sa may pinakamaraming followers na 473 milyon. Dito sa Pilipinas, ang celebrity na si Anne Curtis ang may pinakamaraming followers sa Instagram na may 17.6 million.


Samantala, dahil sa kasong acts of lasciviousness na isinampa noong Feb. 11 sa Taguig kontra kay WBO bantamweight champion John Riel Casimero ng 17-year-old na dalagita, nahaharap ngayon sa seryosong problemang deportation sa US ang Pinoy boxer.


Ito ay matapos na si Los Angeles promoter Tom Brown, konektado sa Al Haymon’s Premier Boxing Champions, ay magsampa ng petisyon para sa non-immigrant working visa ni Casimero sa US Citizenship and Immigration Services na naaprubhan noong Enero 13, 2020. Hiniling ni Brown ang awtomatikong pagbawi sa visa sa US Department of State.


Kung maaprubahan ang pagbawi, si Casimero – na nasa US – ay ipapatapon at mapipilitang umuwi. Kasalukuyan siyang nagsasanay kasama ang kanyang kapatid na si Jayson at kaibigang si Stephen Lunas sa San Diego na naghahanda para sa kanyang title defense laban kay Paul Butler sa Liverpool sa Abril 22.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page