Sobrang selosa, BF gustong laging kasama… RABIYA, AYAW NANG PAUWIIN SI JERIC
- BULGAR
- Feb 26, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 26, 2023

Hindi na puwedeng itago pa ni Rabiya Mateo na sila na uli ngayon ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
Nag-break man sila pansamantala, mukhang si Rabiya Mateo ang hindi nakatiis na malayo sa aktor kaya back to each other’s arms silang muli.
Tsika ng ilang tao na nakakaalam sa love story nila, si Rabiya raw ang sobrang in love kay Jeric at halos ayaw nang pauwiin ang aktor kapag dinadalaw siya.
Napaka-clingy daw ng beauty queen at sobrang selosa kaya nasasakal sa kanilang relasyon si Jeric Gonzales.
At pati ang cellphone ng aktor ay pinakikialaman at tsine-check lagi ni Rabiya kung sinu-sino ang mga tumatawag.
Mabuti na lang at mahal siya ni Jeric kaya inuunawa na lang ang pagiging selosa at possessive ni Rabiya. Huwag lang sanang makakatagpo si Jeric Gonzales ng mas maganda at sweet pero hindi selosa na tulad ni Rabiya Mateo.





Comments