Sobrang proud… ALEX, PINAGAWAN NG BILLBOARD MAI-FLEX LANG ANG PAGBUBUNTIS
- BULGAR

- 51 minutes ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 2026

Photo: FB Alex Gonzaga
Marami ang natuwa sa balitang buntis ngayon ang aktres-vlogger na si Alex Gonzaga. Sila mismo ng mister niyang si Mikee Morada ang nagkumpirma nito.
Kaya naman halos lahat ng malalapit nilang kaibigan sa showbiz ay nagpaabot ng pagbati sa magandang balitang ito.
Ilan sa mga natuwa ay sina Pauleen Luna, Melai Cantiveros, Maja Salvador, Ivana Alawi, Robi Domingo, Luis Manzano, Jessy Mendiola, Karen Davila, Vicki Belo at Bettina Carlos.
Buong pamilya Gonzaga at Morada ay labis ding nagpapasalamat sa blessing na dumating kina Alex at Mikee Morada. Answered prayers ito para sa mag-asawa.
Finally ay mabibiyayaan na sila ng baby matapos ang anim na taong pagsasama at tatlong miscarriages ni Alex. Hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na nagdasal para sa kanilang little angel.
Dahil sa saya ng mga netizens, isang malaking billboard pa ang ipinagawa para kay Alex ng kanyang ineendorso na produkto na ngayon ay makikita sa EDSA-Guadalupe.
Samantala, payo naman ng mga nagmamalasakit kay Alex Gonzaga, dapat pa rin siyang mag-ingat ngayon at kung kakayanin ay total bed rest upang masigurong magiging ligtas ang kanyang kalagayan hanggang sa siya ay manganak.
HINDI ikinaila ni Vice Ganda na malaki ang utang na loob niya sa isang Japanese lady na nagpaaral sa kanya kaya siya nakapagtapos ng kolehiyo.
Gusto niya itong ma-meet nang personal upang pasalamatan. Ito ang kanyang purpose nang magpunta kamakailan sa Japan.
Nalaman ito ng media sa Japan kaya naman tinulungan nila si Vice na matunton kung nasaan na si Ms. Noriko Takura, ang Haponesang nagpaaral sa kanya.
Nahanap naman ito, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita ni Vice Ganda. Very private person daw ang nagpaaral kay Vice kaya hindi nagpakita.
Ganunpaman, alam ng Haponesa na nakatapos sa pag-aaral si Vice Ganda at ngayon ay isa nang sikat na TV host-comedian.
Ang tanging bilin lang nito kay Vice Ganda ay ipagpatuloy ang pagtulong tulad ng ginawa niya.
Nasapawan na sa kasikatan, ‘di na bida…
KYLINE, CAREER DAW MUNA, PASS SA BF
PAHINGA na raw muna sa love life ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Mas magpo-focus na muna siya sa kanyang career at bibigyan ng panahon ang kanyang sarili.
Aminado ang aktres na sobra-sobra siya kung magmahal at halos wala na siyang itinitira para sa kanyang sarili.
Ngayon ay tahimik at kalmado na ang kanyang mundo, mas nakaiiwas sa mga isyu at kontrobersiya si Kyline kapag walang karelasyon.
Marami siyang realizations sa buhay habang nagma-mature at kahit zero ang kanyang love life, marami naman siyang kaibigang nagpapasaya sa kanya tulad ni Barbie Forteza na karamay niya sa panahon ng kanyang kalungkutan.
Pero nagre-react ang mga fans ni Kyline kung bakit medyo bumaba ang kanyang premium bilang isa sa prized artists ng Sparkle GMA Artist Center.
Dati-rati ay pang-lead role siya, pero sa bagong action series ay second lead na lang siya kay Kylie Padilla.
Pero hindi naman siya madedehado sa kanyang role sa Taskforce Firewall dahil magaling siyang aktres at siguradong lulutang siya sa serye.





Comments