Sobrang private ng ceremony… ERICH, IKINASAL NA SA RICH FIANCE

ni Nitz Miralles - @Bida | March 24, 2022

Ang gandang bride ni Erich Gonzales na ikinasal kahapon, March 23, kay Mateo Lorenzo.
Sa nabasa namin, gawa ni Mak Tumang ang wedding gown ni Erich at hanggang sa wedding gown lang ang detalyeng alam natin, the rest, sa mga susunod na araw pa natin malalaman.
Pati kung saan ang reception, ang wedding entourage at iba pa ay sa mga susunod na araw pa natin malalaman.
Ito ngang picture ni Erich in her wedding gown, ang hirap hanapin at ‘yung picture nilang nasa harap ng altar, pareho pang nakatalikod.
Humanga ang mga netizens sa pagiging low key ng mga ikinasal, walang wedding gown at wedding ring reveal at pati nga entourage, hindi nabanggit. Considering na rich ang pamilya ng napangasawa ni Erich, pero tahimik ang kanilang relasyon at tahimik din ang kasal.
Ibig sabihin nito, tahimik din ang married life nila.





Comments