top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sobrang inutil ang telecom service kapag may kalamidad, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 24, 2020



Umabot daw sa 2 milyon ang lumayas na turista.


Gusto ba ninyong sa Pilipinas na sila manirahan?


◘◘◘


May sapat na suplay ng manok sa Pilipinas.


Karaniwan ay imported!


◘◘◘


Bumagsak na naman ang dambuhalang piyesa sa ginagawang skyway.


Palpak na kontraktor na kinukunsinte ng gobyerno!


◘◘◘


Inutil ang telecom service kapag may kalamidad.


Bakit hindi puwersahin ang mga ito na gumamit ng satellite signal?


◘◘◘


Binaril at napatay ang hepe ng mga pulis na nakapatay ng 4 sundalo sa Jolo, Sulu.


Huwag sanang maggantihan ang magkabilang panig!


◘◘◘


May demoralisasyon ba sa hanay ng sundalo at mga pulis?


Bakit sila nagpapatayan?


◘◘◘


Panay bintang ang gobyerno laban sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.


Nasaan ang intel officers at mahuhusay na abogado para makakuha ng sapat na ebidensiya?


◘◘◘


Kapos ba ang proseso ng demokratikong institusyon upang maaaresto at maparusahan ang kalaban ng gobyerno?


Pwes, baguhin ang Konstitusyon bago mahuli ang lahat!


◘◘◘


Sa demokrasya, hindi puwedeng panay bintang at hinala, dapat may ebidensiya.


Kapag walang ebidensiya, libelo at pangha-harass ang tawag dyan!


◘◘◘


Isa sa 10 Pinoy ay walang sariling toilet.


Kaya palaging puno ang mga mall!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page