top of page

Sobrang inlabey sa GF… DERRICK: SASALO AKO NG BALA PARA KAY ELLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 25, 2026



Derrick Monasterio at Elle - Ateng Janiz

Photo: Derrick Monasterio at Elle - File



Isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Derrick Monasterio ang pelikulang Neophyte ‘26 (N26) ay dahil sa oportunidad na makasama ang kanyang girlfriend na si Elle Villanueva.


Dati na silang nagkakatrabaho sa mga soap, pero ito raw ang first film nila together.


Isa pa raw dahilan ay dahil isa itong advocacy film, an eye-opener sa mga kabataang sumasali sa fraternity at maraming aral na mapupulot.


Si Derrick ang bida sa nasabing pelikula kung saan ginagampanan niya ang role na isang college student na napasama sa fraternity at naging biktima ng hazing. 


Kasama rin sa movie sina Angelica Jones, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Lance Raymundo, at introducing si Angelo Jones.


Sa premiere night ng movie na ginanap kamakailan ay nakausap namin sina Derrick at Elle na 4 years nang magdyowa at very happy sa kanilang relasyon.

Ayon sa Kapuso actor, 100% sure na siya na si Elle ang gusto niyang makasama habambuhay.


“Nu’ng sinasabi ko sa sarili ko na magseseryoso ako, du’n ko na-realize na s’ya na talaga. Tapos, from Day 1 hanggang ngayon, napanghawakan ko ‘yun,” aniya.


Sobrang love na love raw niya si Elle at gagawin niya ang lahat para sa girlfriend.


“Sasalo ako ng bala para kay Elle, sinabi ko na ‘yan sa kanya,” saad ni Derrick.

Napag-uusapan na rin daw nila ang tungkol sa kasalan pero hindi pa raw ngayon.


“Siguro, mga 2-3 years from now. Ayoko naman na mga 36 na ako, wala pa akong anak,” sey pa niya.


Napag-uusapan na rin nila ang pagkakaroon ng baby pero siyempre, kasal muna.





Kasal, biglaan din… RONNIE, UMAMING WALA SA PLANO ANG PAGBUBUNTIS NI LOISA



INAMIN ni Ronnie Alonte na the moment na nalaman nilang four months pregnant na ang girlfriend niya pa lang noon na si Loisa Andalio ay agad na raw nilang pinlano ang kasal.


Ang wala raw sa plano ay ang proposal at madaliang desisyon niya ito habang pinaplano nila ang kasal.


“Biglaan ‘yung proposal na ‘yun,” rebelasyon ng aktor sa vlog na Think Talk Tea (TTT)

Aniya, “Sabi ko, parang may kulang, eh.”


Inisip daw niya na parang lumalabas na wala siyang respeto sa pagkababae ni Loisa kung hindi muna siya magpo-propose at kasal na agad.


“Parang three weeks na lang yata ‘yung kasal namin bago ‘ko mag-propose,” sey niya.

Pero wala rin naman daw sa plano ang pagbubuntis ni Loisa that time.


“Ang plano talaga namin, kasal muna bago baby. Ang nangyari, pag-uwi n’ya galing Japan, ‘yung shooting n’ya sa Japan, pag-uwi n’ya, s’yempre, na-miss ko s’ya, na-miss n’ya ‘ko, ‘yun, du’n nabuo pala,” natatawang kuwento ni Ronnie.


“Nu’ng nalaman namin na apat na buwan na s’yang buntis, game!” sambit niya.

Perfect timing na rin naman daw dahil 29 yrs. old na siya at si Loisa naman ay 26 na at may mga investments na rin naman sila, kaya ready na rin naman daw sila to settle down and have a family.


Matatandaang ikinasal sina Loisa at Ronnie noong November, 2025 in an intimate garden ceremony. Ipinanganak naman ng aktres ang kanilang first child, a baby girl na si Runi Lior nitong nakaraang Marso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page